CHAPTER 1

1.1K 23 0
                                    

CHAPTER 1



Nandito ako ngayon sa harap ng building na pag mamayari ng mga oliveros. Hindi ko alam kong papasok ba ako o hindi dahil kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

'Para sa mga magulang ko'

Inayos ko ang aking damit at nakangiting nag lakad papasok ng building Pero hinarang din agad ako ng guard kaya napataas ang kilay ko.


"Sorry po maam pero bawal kaming mag pa-pasok dito ng hindi empleyado"

"I'm Carren Angeles The CEO's New Secretary" pag papakilala ko. ngayon ko lang naalala na wala pa pala akong I.D kaya mukhang hindi naniniwala sakin ang gwardya na to.

Mag sasalita pa sana ako pero may nag salita sa likod ko.

"Papasokin mo na sya She's Telling the truth"

Dahan dahan akong napalingon ng marinig ko ang baritong boses na yon. at halos malaglag ang panga ko ng mamukhaan ko yong nag salita

Sya yon! sya yong lalaking manyak.. teka! don't tell me stalker ko sya? kaya hanggang ngayon ay sinusundan nya ako.

"Hoy Ika–"

"GoodMorning Mr. CEO" Muli akong napanganga dahil sa sinabi nong guard. sya CEO? ang manyak na to CEO talaga?

Haha ang mundo nga naman oh.. ibigsabihin ba neto sya ang magiging boss ko? Tangnang tadhana yan.

"Let's Go Ms. Secretary" muntik na akong mapatalon ng muli syang mag salita this time ay sobrang lapit na nya sakin kaya bahagya akong napa atras.

Nag lakad na sya papasok kaya sinundan ko sya. Mukhang malilintikan ako neto sinuntok ko lang naman ang boss ko. pero malay ko bang sya ang magiging boss ko? at isa pa hinawakan nya ako sa pwet kahapon lang kaya dapat lang sa kanya yong suntok. Pero mali parin yong ginawa ko eh baka hindi pa ako nag sisimula tanggalin nya na ako sa trabaho edi patay na ako.

Hanggang sa maka-sakay kami sa elevator ay naka sunod parin ako sa kanya. walang ni isa samin ang nag salita pero dahil hindi ako mapakali ay mahina akong tumikhim na ikinatingin nya sakin

"Sorry naman sir alam nyo kase kahapon hindi ko talaga alam na ikaw ang magiging boss ko kaya kita nasuntok pero kase naman sir bakit mo kase ako hinawakan s–"

Sinamaan nya ako ng tingin kaya napatigil ako sa pag sasalita at yumuko.

"Hindi ako yon. may isa pang lalaki sa likuran mo hindi mo lang sya nakita dahil umalis agad sya kaya naman pag lingon mo ay ako ang nakita mo sinuntok mo pa ako"

"Wee hindi ba talaga ikaw yon?" nakangiwing tanong ko pero hindi sya sumagot.


"Ok Sorry na.. Pero ikaw ba talaga ang CEO ng kompanyang to? Ikaw ba talaga si Engineer Owen Oliveros?"

"What do you think?" malamig na balik tanong nya na. na ikinatahimik ko. Tinitigan ko syang maigi.

"Gwapo ka pero–" tumigil ako sa pag sasalita at muli syang tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Ngayon lang ako naka kita ng CEO na Pandak take note Engineer kapa.. bakit nga ba ang pandak mo sir?" prangkang ani ko.

Biglang nag dilim ang mukha nya, tiningnan nya ako ng sobrang sama na ikinalunok ko. nakakatakot syang maka tingin eh.

"Shut your mouth Ms. Angeles if you still want to work as my secretary" tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pag sasalita mahirap na baka mawalan pa ako ng trabaho dahil nag sabi ako ng totoo.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now