CHAPTER 20

503 12 0
                                    

CHAPTER 20

"I'm Zandra Owen's Girlfriend" pag papakilala sakin nong babaeng kasama ni sir owen. inilahad nya sakin ang kamay nya nag dadalawang isip pa akong tanggapin pero ayaw ko namang mag mukahang walang manners kaya nakipag kamay ako sa kanya.

"Carren his former secretary" pag papakilala ko rin. wala dito si tyron at sir owen, sila kase ang umuorder ng pagkain namin.

Kanina kasi inakit kami ni zandra na sumabay sa kanila double date daw aayaw nga sana ako kaso ang tyron pumayag nalang bigal.

Sigurado akong ang Zandra na tinutukoy nong mga babae sa kompanya ay itong zandra na kaharap ko mukha naman syang mabait kaya talagang bagay na bagay sila ni sir owen.

"The food is here" napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano ng may nag lapag ng pag kain sa tapat ko. tiningnan ko naman kung kanino galing yon.

"Eat up baby" nakangiting sabi ni tyron, napa kurap kurap pa ako. did he just call me baby?

Nakita kong napatingin samin si sir owen napansin ko rin ang pag higpit nya ng hawak sa kutsara pero hindi ko nalang pinansin yon at binalik kay tyron ang tingin

"Zyra called me ang sabi nya mataas daw ang lagnat mo kaya naman pumunta ako sa bahay mo tapos nandito ka lang pala. pinag alala mo ako alam mo bang parang mababaliw na ako kakahanap sayo, you made me worry baby don't do that again"

Napa tulala ako dahil sa mga sinabi nya. para kasing narinig ko na yon somewhere.

"By the way Carren san kana nag ta-trabaho ngayon?" napatingin ako kay zandra dahil sa tanong nya.

"Police ako" maikling sagot ko tumango tango naman sya.

"Mag fiance ba kayo o mag jowa palang?" tanong pa nya. sasagot na sana ako ng hindi ng unahan ako ni tyron sa pag sasalita.

"No nililigawan ko palang sya" hindi na ako na gulat sa sinagot nya. baliw sya eh kaya alam ko ng mag papanggap syang may relasyon kami.

"Sya ba yong sinasabi mong mahal mo?" sa tanong na yon ni sir owen talaga ako natigilan, sobrang lalim ng boses nya kunot na kunot din ang noo nya, ang dalawa nyang mata na walang emosyon ay naka tingin sakin.

"S-Sya nga" utal kong sagot at bumalik nalang sa pag kain

"Babe try this one masarap to" napa iwas ako ng tingin sa dalawa ng subuan ni zandra si owen ng pag kain.

Tss! ano to nangaasar ba sila?

Inis kong kinuha ang kutsara ko at nilagyan yon ng pag kain saka isinubo kay tyron.

"Masarap?" tanong ko tumango tango naman sya habang nginunguya ang isinubo ko sa kanya.

Tumingin ako kila zandra at nginitian sila. tiningnan ko si sir owen na ngayon ay tahimik lang na kumakain, parang may ibinubulong sya pero hindi ko marinig.

Napunta kay tyron ang buong atensyon ko bigla syang mag inubo mukhang nabilaukan sya na ikina taranta ko

Agad akong pumunta sa likod nya at mahinang hinagod yon binigyan ko din sya ng tubig.

"Ok kana?" tanong ko. "Yan kase katakawan" mahinang bulong ko sa kanya pero nginisian nya lang ako.

Bumalik na ko sa upuan ko at ipinag patuloy ang pag kain pero natigil nanaman ang pag kain ko ng biglang ilapit sakin ni tyron ang mukha nya.

Mag sasalita na sana si tyron ng makarinig kami ng pag kabasag ng kung ano. sabay sabay kaming napatingin kay sir owen na ngayon ay nag durugo na ang kamay, mukang binasag nya ang basa sa kamay nya.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now