CHAPTER 11
Napamulat ako ng maka amoy ako ng kung anong mabango. Napakurap kurap pa ako dahil ilaw ang unang bumungad sakin.
Bumangon ako sa pag kakahiga at inilibot ang paningin ko. nanlaki ang mata ko ng makita kong nasa station parin ako.
"Mabuti naman gising kana"
Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Tyron. "Asan si sir Owen?" hindi ko alam pero yon ang unang lumabas sa bibig ko.
"Ouch ako ang nandito pero sya ang hinahanap mo napaka mapanakit mo carren" sinamaan ko sya dahil sa sinabi nya. umakto pa talaga syang nasasaktan dahil naka hawak pa sya sa dibdib nya.
"Asan nga si sir pandak? umuwi na ba sya?" tanong ko pa ulit.. Laglag ang balikat naman nyang itinuro ang kusina na ikina kunot ng noo ko.
Hindi ko ba nasabi na ang police station na to ay may kusina sa loob. "Nag luluto sya dahil baka daw gutom kana kaninang umaga ka pa daw ata walang kain eh hating gabi na"
Napatingin ako sa relo ko. Shuta! 2:00am na pala ibig sabihin tatlong oras na akong tulog.
"Bakit walang gumising sakin? Alam ko na kung nasan ang hideout ng mga kidnaper's na yon kailangan na natin silang putahan dahil baka maka takas nanaman sila at saka baka kung ano na ang gawin nila sa mga babae at sa kapatid ko" Mahabang sabi ko at dali dali akong tumayo saka kinuha ang bag at baril ko.
Handa na sana akong lumabas ng station ng may kamay na pumigil sakin ang akala ko ay tyron yon kaya sasapakin ko na sana pero pag lingon ko ay si sir owen ang bumungad sakin.
Hinawakan nya ang mag kabilang balikat ko at pinaupo ako sa sofa kung saan ako naka higa kanina.
"Kumain ka muna nag luto ako ng pag kain" nakangiting sabi nya. ng mabanggit nya ang salitang pag kain ay biglang kumalam ang tyan ko pero ok lang na magutom ako basta mahanap ko lang ang kapatid ko.
"No! I Need to go there my sister need m–" napatigil ako sa pag sasalita ng bigla nya akong sinubuan ng tinapay iluluwa ko na sana yon ng mag salita sya
"Napakaraming tao ang nagugutom tapos ikaw iluluwa mo lang"
Nang dahil sa sinabi nya ay kinain ko nalang ang tipay. narinig kong nag tawanan pa ang ibang mga kasama namin kaya napayuko tuloy ako dahil sa hiya.
"Grabe Mr. Ceo ang sarap mo mag luto ng lugaw"
"Mas masarap tong soup"
"Pareho lang masarap Mr. Ceo"
Iba't ibang komento ng mga kasamahan namin. dalawa kase ang niluto ni Sir Owen Lugaw at Suop na sobrang daming lahok. ang niluto pa talaga nya ay sobrang dami yong kasyang kasya saming lahat dito.
"Masarap nga pero sa susunod wag mong lakihan ang hiwa ng luya akala ko kase manok nakagat ko tuloy" sabay sabay kaming napatawa dahil sa sinabi ni tyron.
Napailing iling nalang ako at nag patuloy sa pag kain. napatingin naman ako kay sir owen dahil hindi pa sya kumakain.
"Bakit hindi kapa kumakain?" tanong ko. tipid naman syang ngumuti, "Hindi ako gutom" sagot nya na ikina taas ng kilay ko. hindi gutom pero sa pag kaka alam ko pareho lang kaming mag hapon ng walang kain.
Kaya naman kinuha ko ang kutsara ko at nilagyan yon ng lugaw hinipan ko muna yon para lumamig. "Say Ahh" tinapat ko sa bibig nya ang kutsara. bahagya pang nangunot ang noo nya pero binuka rin nya ang bibig nya at kinain ang sinubo kong lugaw sa kanya.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)
Romance15 Years ago Carren's Parents we're murdered and she saw it with her bare eyes but she got into an accident making her memories lost. and now she want to know who is the person behind his parents death. she want him/her to be punish.. She Work at Ol...