CHAPTER 16

417 8 0
                                    

CHAPTER 16

"I'm Here for Vierra Anastasia Oliveros" ani ko sa dalawang gwardya na nag babantay, ipina kita ko ang card na ibinigay sakin non ni floricel.

"Pasok na po maam Room 75 po" nakangiting sabi nong isa at pinapasok na ako.

Room 71

Room 72

Room 73

Room 74

Nang maka rating ako sa tapat ng pinto ng Room 75 ay napatigil ako.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.. Bumungad sakin ang magandang babae na naka tulala lang habang naka tingin sa labas ng binatana.

Mukhang hindi nya ako napansin kaya nag lakad na ako papalapit sa kanya. may ibinubulong sya pero hindi ko yon masyadong marinig dahil sobrang hina.

'Ren-Ren Sorry'

'Ren-Ren Sorry'

'Ren-Ren Sorry'

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang mga ibinubulong nya.

"T-Tashia" Mahinang tawag ko sa kanya na ikina tingin nya sakin bahagyang nanlaki ang mata nya at may lumabas na luha don.

"Ren-Ren ikaw ba yan?" tanong nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. dahan dahan naman akong tumango. nagulat na lamang ako ng bigla syang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

"S-Sorry Please Forgive me h-hindi ko kayo n-natulungan k-kong hindi lang sana ako n-natakot dapat b-buhay pa ang m-magulang mo" umiiyak na sabi nya. umupo ako para makapantay sya.

"Shh wala kang kasalan please don't blame your self" pag papatigil ko sa kanya, inalalayan ko sya sa pag tayo tinulungan ko rin sya maka higa sa kama nya.

"Tell me What did you saw that night?" tanong ko sa kanya. Mag sasalita na sana sya ng may pamilyar akong boses na narinig sa labas.

"Kamusta na ang ate ko doc?" boses yon ni sir owen hindi ako pwedeng mag kamali.

Fuck!

Nag hanap ako ng pwedeng taguan pero wala akong makita, napangisi ako ng makita ko ang malaking bintana. agad akong lumapit don at sumilip.

Gagi! nasa third floor nga pala ako. baka pag tinalon ko to mamatay ako ng wala sa oras pero dahil wala na akong choice.

Huminga muna ako ng malalim at walang pag dadalawang isip na tumalon.

Nakahinga ako ng maluwag dahil pag mulat ko ay buhay parin ako at walang galos ng bumagsak ako. Iniwasan ko lahat ng Cctv na meron sa paligid at inakyat ang pader hindi gaanong kataas.

Bwiset naman kase tong si sir owen, mag sasalita na sana si tashia eh, yan wala na yong chance ko.

Kahapon ay naka uwi na kami galing sa beach kaya ngayon balik na ako sa pag iimbestiga. pag ka gising ko kahapon nagulat nalang ako kase handa na ang agahan ko pero wala na si sir owen kaya mag isa akong umuwi mabuti nalang at kahit maagap pa ay meron ng taxi.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yon.

'Tyron is Calling'

Agad kong sinagot yon ng makita ko kung sino ang tumatawag.

[Another witness called us, she said she saw everything that happend when your parents were murdered, I'm going to his house with my team gusto mo bang sumama?]

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now