CHAPTER 2

895 11 0
                                    

CHAPTER 2

"Kung napansin mo Carren merong Limang saksak sa kanyang leeg ang biktimang ito katulad ng ginawa sa mga magulang mo" iniabot sakin ni Tyron ang mga picture ng isang dalaga na tadtad ng saksak sa leeg at halos maputol na ang ulo nito.

"Tyron naman kahit ako kung magiging killer ako sasaksakin ko rin sa leeg ng limang beses ang papatayin ko para patay agad. pano mo pati nasabing serial killing to? meron bang ibang signature ang killer sa mga pinapatay nya?" tanong ko. tumango naman sya at may iniabot ulit saking picture

"Sa Talampakan ng mga naging biktima merong naka ukit na S.O iniukit yon ng killer gamit ang isang matalim na kutsilyo ang mga magulang mo ay meron din non sa talampakan.."

"Kaya naman binuksan ulit ang mga kasong may pag kakahiwig dito 20 years ago. Pero ang sabi ng naka tataas na hindi ka daw pwedeng sumama sa imbestigasyon dahil kapamilya mo ang naging biktima baka lang daw maka gulo ka sa kaso"

Natigilan ako sa sinabi ni Tyron.

"That's Bullshit Tyron Halos sampung taon na akong nag iimbestiga tapos patitigilin nila ako gago ba sila?" inis na sigaw ko at padabog na inilapag ang mga pictures sa mesa ni tyron.

"Kumalma ka nga Carren kinausap ko na si kuya pumayag na syang sumama sa pag iimbestiga"

Malakas ko syang binatukan dahil sa sinabi nya. pumayag naman na pala tapos, puro talaga kalokohan ang baliw na to eh.

Mag sasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone ko tanda na may tumatawag. I Excused my self to tyron before answering the call.

[Secretary Angeles Where The Hell Are you? Kanina pa kita tinatawagan comeback here in office ASAP..]

Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa pag sigaw nya. "Yes Boss 10 Minutes anjan na ako" pinatay ko na ang tawag at humarap kay tyron.

"Balitaan mo nalang ako pag may iba na kayong nalaman kailangan ko pang pumasok ng trabaho" pag papaalam ko at kinuha ang bag ko,

"Ingat ka" Malakas na sigaw nya ng nasa malayo layo na ako, hindi na ako lumingon pinaandar ko nalang ang motor ko.

'Hindi ko kailangang mag ingat hindi naman ako mapapahamak dahil kaya kung ipag tanggol ang sarili ko'


Ipinark ko na ang motor ko at nag lakad papasok sa loob ng building.. Napairap ako ng bumungad sakin ang masasamang tingin ng ibang empleyado. ano naman kayang nagawa ko sa kanila? eh hindi ko naman sila inaano

Nasa Sixteenth floor pa ang opisina ni Sir Owen the pandak kaya nag elevator na ako.

Sumakit bigla ang ulo ko kaya napahawak ako don. may mga litratong nag fa-flash pero malabo silang lahat tanging mahihinang tinig lang ang naririnig ko.

"Audrey Tumakbo kana anak tumakas kana" sigaw ni mommy sakin pero imbes na tumakbo ay nag tago lang ako sa ilalim ng kama. kitang kita ng dalawang mata ko kong pano mawalan ng buhay ang mga magulang ko.

Napabalik ako sa aking katinuan ng tumunog ang elevator tanda na nasa sixteenth floor na ako. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang sarili ko. kahit na nahihilo ay pinilit ko paring mag lakad papunta sa office ni Sir Owen.

Nang maka rating ako sa tapat ng office ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

Bumungad sakin si sir owen na naka supo sa kanyang swilve chair at sobrang sama ng tingin sakin. pero hindi ko yon pinansin kalmado akong umupo sa sofa at humarap sa lalaki.

"May Pinuntahan lang ako kanina sir sorry" labag sa loob ko pero kailangan kong mag sorry yon ang sinabi sakin ni Mavie pag alam mong may mali kang nagawa kahit labag sa loob mo mag sorry ka atleast nag sorry ka diba.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now