CHAPTER 9
"Lieutenant? Lieutenant Angeles? Ikaw ba yon?"
Hindi ko pinansin ang tanong na yon ni Sir owen dumiretso lang ako kay tyron na kunot na kunot ang noo habang naka titig sakin.
"Help me please nawawala ang kapatid ko" umiiyak sabi ko sa kanya ng maka lapit ako. hindi sya nag salita tiningnan nya lang ako maya maya pa ay may malamig na tubig ang bumuhos sa ulo ko.
Narinig ko ang singhapan ng mga tao sa paligid namin. "Kumalma ka mag isip ka ng maayos" para akong natuhan sa sinabi nyang yon. mag sasalita na sana ako ng may humawak sa mag kabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya.
"Basa ka. suotin mo muna to" hinubad nya ang jacket na suot at isinuot sakin.
"Kayong lahat Check all the Cctv Fotage malapit kila Carren" Nag sisunodan naman sila sa kanya.
"Anong pangalan ng kapatid mo?" napatingin ako kay tyron dahil sa tanong nya. bakit nya pa ako tinatanong eh alam naman na nya lahat tungkol sa kapatid ko?. Pero ng makita ko ang tingin nya ay saka ko lang na gets ang gusto nyang iparating.
"Mavie Gonzalez 16 Years Old"
Tumango tango naman sya at nag type sa computer nya.
Mga isang oras din kaming tahimik hanggang sa.
"Lieutenant Green tingnan nyo to"
Sabay sabay kaming napatayong tatlo dahil sa sinabi ng isa sa mga police officer Lumapit kami sa kanya kaya plinay na nya ang CCTV Fotage.
Makikita sa camera si mavie na may hawak hawak na kung ano tumitingin tingin rin sya sa paligid nya na para bang hinahanap. may tumigil na Itim na van sa harapan nya at may lumabas din dong mga nakaitim na tao at sapilitang isinakay sa loob ng van si mavie.
Nakatulala lang ako habang pinapanood pa ang ibang kuha ng Cctv camera.
"Sir Yong Van na ginamit jan ay katulad din nong van na ginamit sa kaso ng kidnaping na hawak mo ngayon" napunta ang atensyon namin sa sinabi ng isa pang police.
"Tama ka jan Alcantara kaya tingin ko kailangan ko ng tawagan si kuya para mapabilis to marami na kaming lead sa mga suspect pero palagi silang nakakatakas Mabuti pa umuwi na kayo Ms. Angeles babalitaan nalang namin kayo pag nah–"
"Sasama ako" pag puputol ko sa sasabihin nya. ano ba ang akala nya na papabayaan ko ang kapatid ko don?.. No! ako mismo ang huhuli sa mga hayop na kumuha sa kanya subukan lang talaga nilang saktan ang kapatid ko mapapatay ko sila.
"Ok sumama kana para namang kaya kitang pigilan" naka ngiwing sabi nya at tinalikuran na kami. napatingin naman ako kay sir owen na tahimik lang na naka tayo sa katabi ko.
Kanina pa to tahimik na parang may malalim na iniisip. "Sir umuwi kana kaya" mahinang sabi ko sa kanya na ikina tingin nya sakin.
"At bakit naman ako uuwi sasama nalang ako sa inyo Lieutenant Angeles" mahina akong napatawa ng diinan pa nya ang salitang Lieutenant.
"Wala tayo sa opisina kaya hindi kita boss so wag mong asahan na igagalang kita dito dahil teretoryo ko to" diretsahang sabi ko. wala ng galang kung wala eh sa teretoryo ko talaga to eh. hindi ko sya boss ngayon kaya dapat alam nya ang lugar nya.
"Tsk. Nasa opisina man o wala kailan mo bako iginalang?" rinig kong bulong nya pero hindi ko nalang pinansin yon at nag lakad na papasok sa office ni tyron naramdaman ko namang sumunod sakin si sir owen pero pinabayaan ko nalang ulit.
"Tyron andito ba yong Uniform ko?" tanong ko sa kanya tumango lang sya at itinuro ang cabinet sa gilid. may kausap kase sya sa cellphone.
Binuksan ko ang cabinet at bumungad sakin ang kulay itim kung uniform.. hindi ito katulad ng mga ibang police uniform.. hindi naman kase kami simpleng police lang. lahat ng tao dito sa police station ay mga agents maliban nalang kay sir owen.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)
Romance15 Years ago Carren's Parents we're murdered and she saw it with her bare eyes but she got into an accident making her memories lost. and now she want to know who is the person behind his parents death. she want him/her to be punish.. She Work at Ol...