CHAPTER 13

436 10 0
                                    

CHAPTER 13

Bakit ba napaka sama ng tadhana sakin? sobrang sama ko ba nong nakaraang buhay ko dahil napaka malas ko ngayon.

Ilang araw na simula nong mag kita kami ni mavie pero hanggang ngayon ay hindi ko parin maka limutan ang mga sinabi nya.



"M-Mavie ok ka lang ba? may masakit ba sayo? anong ginawa nila sayo? yang ulo may sumasakit ba? kamusta ang pag hinga mo nahihirapan ka ba? Kumain ka–"

Napatigil ako sa pag sasalita at pag tatanong ng takpan nya ang bibig ko gamit ang kamay nya.

"Napaka Oa mo naman ate.. maayos lang ako hindi ako sinasaktan ni Zeus pero ate don na kase ako titira sa bahay nya" mahinahon na sabi nya at muling umupo sa sofa at ganon din ang ginawa ko.

"Bakit?" tanong ko. "I Mean pinilit ka ba nyang tumira kasama nya? The fuck naman Mavielyn Aurora Sixteen ka pa lang ano mag aasawa kana?" hindi ko napigilang mag taas ng boses.

"Hindi ate.. hindi nya ako pinilit Mahal ko sya ate" sagot nya, pagak ako tumawa at tinitigan sya.

"My gosh naman Mavielyn your just sixteen years old and that Zeus is twenty five years old he's nine years older than you and that love your talking is just a waste of time but i you really love him and you want to live with him then fine" Ngumiti naman sya at niyakap ako.

"Thank You ate Mahal kita palagi kang mag iingat" pag kasabi nya non ay himiwalay na sya sakin at tumayo.

"Susunduin ako ng mga tauhan ni Zeus ate kailangan ko ng umalis" kahit labag sa loob ko ay tumango nalang ako at muli syang niyakap ng sobrang higpit.







Apat na araw na akong hindi pumapasok sa opisina dahil naka leave naman ako ng isang linggo kaya apat na araw ko na ring hindi nakikita si sir owen hindi ko ba alam pero nami-miss ko ang presensya nya.

parang gusto ko lagi syang kasama, ewan basta..

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yon.

'Zyra is calling'

Agad kong sinagot yon ng makita ko ang pangalan ng caller.

"ANO BA CARREN ASAN KANA?" nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa biglang pag sigaw ni zyra sa kabilang inya. ang babaeng yon talaga.

Pero mabuti nalang at tumawag sya dahil kung hindi nakalimutan ko ng may outing pala kami.  Zyra is my high school bestfriend..

"Papunta na ako nag ba-byahe na ako" pag sisinungaling ko dahil ang totoo naman ay maliligo palang ako.

Narinig ko ang pag buntong hininga nya mula sa kabilang linya na ikinatawa ko. Pinatay ko na ang tawag at pumasok sa banyo para maligo. Ok na rin to para naman marelax relax ako kahit papano.

Walang Mga police, Walang Imbestigasyon, Walang Trabaho at Walang Boss na Isip bata na Masungit.

Nang matapos akong maligo ay nag bihis na agad ako simpleng Black dress lang ang sinuot ko. Nag dala na rin ako ng bag na may lamang tatlong pares ng swimsuit dahil sa dagat ang outing namin. hindi ko na kailangang mag dala ng kahit ano dahil marami naman na daw dalang pag kain ang iba pa naming kaibigan.

Nong tapos ko ng igayak lahat ng dadalhin ko ay lumabas na ako ng bahay at inilock yon saka pumara ng taxi para mag pahatid sa Moonlitnight resort.

Kinuha ko ang cellphone ko at iminessage si Zyra na malapit na ako. Pag ka text ko sa kanya ay ini-off kona ang phone ko at sumandal sa binatana ng taxi at pinag masdan ang napaka gandang kapaligiran.


"Maam nandito na po tayo"

Napamulat ako ng marinig ko ang boses ng driver. naka tulog na pala ako, nag labas ako ng sampung libo sa bag ko at iniabot kay manong driver nakita ko pang nanlaki ang mata nya saka ibinalik sakin ang syam na libo.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now