CHAPTER 10
"Wag! Wag! Sasabihin kona nasa likod na nasa sila paalis na sila kasama ang ibang mga babae kung tatakbo kana ngayon baka maabutan mo pa sila" malakas na sabi nya habang nanginginig pa.
Binitiwan ko na sya at agad tumakbo para pumunta sa likod ng building. Pero ang naabutan ko nalang ay ang mga van na paalis na. sinubukan ko pang habulin sila at paputukan ng ang gulong nila pero wala ring nangyari.
"Anong nangyari Carren?" tanong sakin ni tyron na hingal na hingal mukhang hinbol nya ako.
"Nakatakas sila" laglag ang balikat na ani ko. "Asan nga pala si sir owen?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko nag kahiwalay kami kanina eh nong pumasok kami sa building" bigla akong nataranta at napatakbo dahil sa sinabi nya.
Fuck! ano bang alam ng lalaking yon sa pakiki pag laban? bakit ko ba kase iniwan eh? ang tanga ko rin eh..
"Sir Owen asan ka" malakas na sigaw ko ng maka pasok na ako sa loob ng building.
"I'm here" nakahinga ako ng maluwag ng makita ko syang walang kahit isang sugat, naka ngiti ngiti pa syang kumakaway kaway sakin. tss lumabas nanaman ang pag ka childish nya.
Para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita kong may lalaking nag tutok sa kanya ng baril mukhang hindi nya yon napansin. kaya dahan dahan kong itinaas ang baril ko at itinutok yon sa lalaking nasa likuran nya at walang pag dadalawang isip ko yong pinutok, sa ulo tinamaan ang lalaki kaya sigurado akong patay na sya.
Napatingin naman ako kay sir owen na sobrang laki ng mata habang naka titig sakin.
"Y-You W-Why did you do that? balak mo ba akong patayin?"
"May tao sa likod mo babarilin kana sana nya pasalamat ka boss kita kung hindi hinayaan na kitang mamatay jan" walang emosyong sabi ko at tinalikuran na sya.
Naabutan ko si tyron na kausap ang iba pang police. "Tyron" pag tawag ko sa atensyon nya lumingon naman sya sakin.
"Wala sa mga babaeng nakuha namin ang kapatid mo mukhang naisama sya sa pag takas ng iba pang kidnaper's" para akong nabinge sa sinabi nya.
Nanginginig akong tumakbo papunta sa grupo ng mga babae na kinakausap ng ibang mga police.. "May nakasama nyo ba sya o kaya nakita nyo ba sya" tanong ko sa mga babaeng nandon at pinakita sa kanila ang picture ni mavie nag katinginan naman sila.
"Nakasama namin sya takot na takot pa nga sya eh pag may lumalapit sa kanya pero kinuha na sya ng mga lalaking naka itim kanina pa at hindi namin alam kung saan sya dadalhin" sagot nong isa sa mga babae na tuluyang ikinatulo ng luha ko. nagulat pa ako ng bigla syang himatayin mabuti nalang at saktong dumating ang ambulansya kaya nadala sya.
Nang hihina na ang tuhod ko pero pinilit ko paring tumayo ng tuwid, ang kapatid ko, si mavie hahanapin ko sya hindi pwedeng mawala sya..
"Carren tara na kailangan na nating bumalik sa station sa ospital na ang diretso nong mga biktima sila alcantara nalang ang sasama sa kanila don" tumango lang ako sa sinabi ni tyron at sumunod na sa kanya papasok sa loob ng van.
Napatingin naman ako kay sir owen ng hawakan nya ako sa braso para alalayan papasok sa van nang maka pasok na kami ay pinaandar na agad ni tyron ang sasakyan.
"Mahahanap mo rin ang kapatid mo" nakangiting sabi nya kaya natigilan ako ngayon lang sya ngumiti sakin. Naramdaman ko nalang ang pag tulo ng luha sa mata ko ayaw ko man makita nyang umiiyak ako pero wala akong magawa dahil kahit anong pigil ko mas lalo akong naiiyak.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)
Romance15 Years ago Carren's Parents we're murdered and she saw it with her bare eyes but she got into an accident making her memories lost. and now she want to know who is the person behind his parents death. she want him/her to be punish.. She Work at Ol...