CHAPTER 12
Isang buwan na ang lumipas matapos mawala ni mavie pero hanggang ngayon ay hindi ko parin sya nahahanap. tinutulungan din ako nila tyron at ni Chief na hanapin sya pero wala talaga. Hindi rin ako maka punta sa dalawa nyang kuya dahil hindi ko alam kung pano ko sa kanila sasabihin na nawawala ang kapatid nila sigurado akong pag nalaman nila ay magagalit sila sakin.
"Secretary Carren tulala ka akin na nga yang mga pinepermahan ako na ang gagawa mag pahinga ka nalang o kaya ay pumunta sa canteen kumain ka don"
Napabalik ako sa wisyo ng biglang sumulpot sa harapan ko si sir owen. Matiim ko syang Tiningnan. Simula nong mawala si mavie naging mabait narin sya sakin. parang hindi na nga nya ako secretary dahil sya na ang gumagawa ng mga dapat ay trabaho ko.
"Busog pa ko" saad ko at tumayo. "pwede mo ba akong samahan sa ospital titingnan ko lang ang lagay ng nanay ni Ruel?"
"Pwede naman wala naman akong schedule ngayon" napangiti ako sa isinagot nya.
"Tara na" hinila ko na sya palabas ng opisina saka pumasok sa elevator.
"Pag ka punta natin sa ospital samahan mo ko pupuntahan natin yong dalawang kapatid ni mavie kailangan nilang malaman na nawawala ang kapatid nila" matamlay na sabi ko.
"Close ako kay Floricel Millazo pero kay Hestia ni kahit kailan hindi ko pa sya nakikita sa personal" nginitian ko lang sya. mukhang gustong gusto talaga nya akong tulungan pero wala syang magawa.
Pareho lang naman kami ako nga eh police ako Lieutenant pa pero wala rin akong magawa dahil mafia boss ang kailangan kong kalabanin. nong una akala ko sandali lang mababawi kona rin ang kapatid ko pero mali pala ako.
Nang mag bukas na ang elevator ay lumabas na kaming dalawa. alangan namang manatili pa kami sa loob.
Lahat ng madadaanan naming empleyado ay napapatingin samin. may mga masasama ang tingin sakin pero dahil sanay na ako hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy sa pag lalakad..
"Yang mga empleyado mong yan sarap pag tutusukin ng mga mata" Inis na sabi ko ng makasakay kami ng kotse nya.
"Dapat tinusok mo na" napangiwi ako sa naging sagot nya, napailing iling nalang ako at pumikit ng paandarin na nya ang sasakyan.
********
"Nay mag pagaling po kayo agad huh para pag balik ni Kuya Ruel magaling na kayo" nakangiting sabi ko kay nanay Susan. sya ang nanay ni ruel yong lalaking Nag sabi sakin kung saan nag tatago ang mga kidnapers. kasalukuyan sya ngayong naka kulong pero ang sabi naman ni Chief tatlong buwan lang naman daw makukulong si Ruel.
"kayo naman Alyana at Derick mag paka bait kayo para matuwa naman si kuya nyo" baling ko sa dalawang kapatid ni Ruel. hindi nila alam na naka kulong ang kuya nila dahil yon ang hiniling sakin ni Ruel wag ko daw sabihin sa nanay nya o sa mga kapatid nya na nakulong sya dahil ayaw daw nyang mag alala sila sa kanya.
Katulad ng ipinangako ko kay ruel ay ipinalipat ko sa private room ang nanay nya. binayaran ko na rin ang mga bayaran nila alyana at derick sa school nila. si sir owen naman ay ginawa nyang schoolar ang dalawa hanggang collage na daw yon at kapag tapos ng mag aral ang dalawa may nag iintay na sa kanilang trabaho.
"Ate Carren mag asawa po ba kayo ni kuya pogi" muntik na akong mabilaukan dahil sa tanong ni alyana ang tinutukoy nya ay si sir owen na kakalabas lang papunta sa cashier nag Volunteer kasi sya na sya na ang mag babayad sa bills dito sa ospital.
"Hindi ko sya asawa boss ko lang sya" sagot ko mukha namang hindi sila naniwala sakin.
"Weh ate pag kanina kase naka titig sya sayo na parang mahal na mahal ka nya" don na ako nabilaukan sunod sunod ang naging pag ubo ko mabuti nalang ay may naka pag abot kaagad sakin ng tubig.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)
Romance15 Years ago Carren's Parents we're murdered and she saw it with her bare eyes but she got into an accident making her memories lost. and now she want to know who is the person behind his parents death. she want him/her to be punish.. She Work at Ol...