PROLOGUE

1.2K 18 0
                                    

PROLOGUE





"Audrey Tumakbo kana anak tumakas kana" sigaw ni mommy sakin pero imbes na tumakbo ay nag tago lang ako sa ilalim ng kama. kitang kita ng dalawang mata ko kong pano mawalan ng buhay ang mga magulang ko.


Nanatili lang akong naka tago sa ilalim ng lamesa kitang kita ko ang mukha ng walang pusong taong pumatay sa mga magulang ko. bigla akong kinabahan ng tumingin sya sa direksyon ko at ngumiti.

"Audrey Baby Girl labas na jan" nakaka kilabot ang boses nya. kilala ko sya kaibigan sya ng mommy at daddy ko pero bakit nya ginawa yon.

"Huli ka" napahiyaw ako ng sumilip sya sa pinag tataguan ko at marahas na hinawakan ang braso ko palabas sa ilalim ng mesa nag pupumiglas pa ako pero hindi ko magawang makawala sa kanya dahil sobrang lakas nya.

Hinawakan ko ang leeg nya para itulak sya pero nabigo rin ako Kaya naman kinagat ko nalang ang kamay nya na ikina hiyaw nya ng malakas dahil sa sakit dali dali akong tumakbo palabas ng bahay, naririnig ko pa ang mga yapak at ang pag sigaw nya sa pangalan ko.

Takbo lang ang ginawa ko walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang maka takas sa taong pumatay sa magulang ko.

Ngayon ko lamang din napansin na merong kwintas na naka sabit sa kamay ko hindi ito akin mukang sakanya to sa taong pumatay sa mga magulang ko baka napa sama nong hinawakan ko ang leeg nya.

Napatigil ako sa pag lalakad ng maka rinig ako ng malakas na busina ng sasakyan pero huli ang lahat naramdaman ko na ang pag tama ng sasakyan sa tagiliran ko at ang pag tapon ko.

Sobrang sakit na ng ulo ko pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko ay may naaninaw pa akong tao.


*~*~*~*


"Hindi mo ba talaga naaalala ang muka ng pumatay sa magulang mo?" umiling lang ako bilang pag sagot. pang walong tanong na nya yon ngayon araw.. katulad nya ay gusto ko ring malaman kung sino ang pumatay sa magulang ko pero hindi ko talaga matandaan ang mukha ng taong yon.

"Mukang kailangan natin syang isama sa witness protection program para narin ma protektahan sya dahil baka hanapin pa sya ng killer" rinig kong sabi nong pulis sa isa pang kasamahan nyang police.

"Simula ngayon Ikaw na si Carren Angeles Siyam na taong gulang at ang kaarawan mo sa ika dalawampu't dalawa ng hunyo ang mga magulang mo ay sina Clara Angeles at Inigo Angeles pero matagal na silang namatay dahil sa car accident yon lang ang sasabihin mo pag may nag tanong sayo para rin naman ito sa ikabubuti mo"


Wala akong naging kahit anong tugon nanatili lang akong tahimik habang naka tingin sa labas napaka ganda ng kapaligiran dito.



VICEKATE | V.K

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now