CHAPTER 4

1.7K 22 0
                                        

CHAPTER 4

Napa mulat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, inilibot ko ang tingin ko sa paligid puro puti lang ang nakikita ko.

kaya napa balikwas ako ng bangon pero naba balik din ako sa pag kakahiga dahil sa sakit ng katawan ko meron ding mga kung ano anong naka kabit sa kamay ko. nasa ospital ako pero anong ginagawa ko dito?

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas yon at pumasok ang lalaking pamilyar sakin ang mukha. Anong ginagawa nya dito?

"Mabuti naman gising kana masyado yata kitang napagod kaya ka nahimatay" sabi nya at nag lakad palapit sa sakin.

"Ok kana ba?" tanong pa nya habang inilalagay ang mga prutas na dala sa mesa na katabi lang ng kamang hinihigaan ko.

"Ok lang ako gusto ko ng umuwi walang kasama ang kapatid ko sa bahay" aalisin ko na sana ang mga naka lagay sa kamay ko pero pinigilan nya ako at pinabalik sa pag kakahiga

"Sinabi ko na sa kapatid mo na nandito ka gusto nyang pumunta kaya lang walang bantay sa bahay nyo pina punta ko don ang dalawa kong kapatid na kaseng age lang nya para may kasama sya kahit papano" naka hinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.

May bait din naman palang natitira sa katawa ang pandak na to. Namula ang mukha ko ng tumunog ang tiyan ko narinig ko ang mahinang pag tawa ni sir owen kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"May Lagnat ka kaya itong lugaw nalang ang kainin mo" ani nya at ipinakita ang isang bowl na may lamang lugaw na may itlog. kukunin ko na sana sa kanya yon pero inilayo nya kagaad.

"Bakit? Gutom na ako gusto ko ng kumain kaya akin na yan" inis na sabi ko at pilit na iniaabot ang bowl.

"Aki–ARAY!" tiningnan ko sya ng sobrang sama ng pitikin nya ang noo ko.

"Susubuan nalang kita baka naman pag pinabayaan kita kung ano ano pang sabihin mo kung kani-kanino"

Inilapit nya sa bibig ko ang kutsara na may lugaw hinipan nya muna yon saka isinubo sakin. kahit ayaw kong mag pasubo sa kanya ay wala naman akong magagawa dahil tingin ko hindi talaga kaya ng kamay kong mag hawak.

Walang nag salita saming dalawa nag patuloy lang sya sa pag subo sakin ng lugaw. ng maubos ko na ang lugaw ay inalalayan nya rin ako sa pag inom ng tubig.

"Grapes gusto mo?" tanong nya at inabutan ako ng grapes umiling lang ako at inilayo sakin ang ubas.

"Allergic ako jan kahit maamoy ko lang" Tumango naman sya at inilayo ang prutas. umupo sya sa sofa na katabi ng kama ko.

"Where's your parents? bakit kayo lang ng kapatid mo sa bahay nyo delikado yon alam mo ba? pag namatay ka sagot ko pa dahil ako ang boss mo" napanganga ako sa sinabi nya.

Putik akala ko pa naman concern sya sakin. samin hindi pala concern pala sya eh sa image nya at sa kompanya nya.

"Tss kaya na namin ng kapatid ko ang sarili ko kung concern ka edi wow"

Nag talokbong na ako ng kumot at pumikit. ayaw ko ng makipag usap sa kanya, sasakit lang lalo ang ulo ko.


**********

Tatlong araw na ang naka lipas simula nong maka labas na ako sa ospital medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaya back to work na agad ako.

Nandito kami ngayon sa lupa na pag tatayuan ng bagong branch ng kompanya ni sir owen. trip daw nyang mag patayo ng bagong negosyo dahil hindi na daw nya alam kung saan ilalagay ang mga pera nya sa sobrang dami.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED?)Stories to obsess over. Discover now