CHAPTER 22
Napuno ng tawanan namin ang buong bahay.. nag ku-kwento kasi sila mr. and mrs. Oliveros tungkol sa mga nakakahiyang ginawa ni sir owen.
"Totoo Carren humabol samin yan si Owen nong bata pa sya i think three years old sya non, alam mo ba? hubo't hubad sya non tapos punong puno pa ng chocolate ang muka" pag kasabi no ni mrs. oliveros ay tumawa ulit sya. ako naman ay pinipigilang tumawa dahil sa masamang tingin ni sir owen.
"Tapos nong nasa 7/11 kami umikot yan sa buong 7/11 tapos nag tinalon sabay sabing 'Yiee ang lamig" si mr. oliveros naman ang nag salita.
This time hindi ko na napigilan ang tawa ko, tawa lang ako ng tawa hanggang sa sumakit ang tyan ko.
Pero napatigil ako sa pag tawa ng makita ko ang kwintas na suot-suot ni mr. oliveros..
Katulad na katulad yon nong kwintas na nakuha ko sa killer. kung nasa kanya pa ang kwintas nya at ang kwintas naman ni mrs. Oliveros ay nakay sir owen ibig sabihin hindi si mr. Oliveros ang killer..
That's It!
"Ang ganda po ng kwintas nyo Mr. Oliveros pinagawa nyo po ba yan?" tanong ko nakangiti naman syang ngumiti at hinawakan ang kwintas.
"Yes This Necklace is Friendship Necklace" nakangiti paring sabi nya na parang may masayang inaalala.
"Alam mo kase nong nasa highschool kami ay mag bestfriend kami nitong maganda kong asawa.. Lima talaga kaming mag ka-kaibigan yong dalawa naming kaibigan ay naging mag asawa rin pero hindi na namin alam kong nasaan sila.. yong isa pa naman naming kaibigan ganon din hindi rin namin alam kong san nag punt–"
Hindi na natapos ni mr. oliveros ang pag ku-kwento nya ng tumunog ang cellphone nya.
"Honey May Emergency sa kompanya natin sa new york kailangan tayo don"
Sabay na tumayo ang mag asawa at nag paalam samin na kailangan na nilang umalis. binilinan pa nila si sir owen na ihatid ako pauwi dahil malapit na daw mag gabi.
Kaya ito ako ngayon kasabay syang nag lalakad pauwi. ayaw ko kasing sumakay sa kahit anong sasakyan ngayon ewan ko lang kong bakit.
"Totoo bang boyfriend mo si tyron?" napatingin ako kay sir owen dahil sa tanong nya.
Mahina akong tumawa bago sagutin ang tanong nya. "Hindi ko sya boyfriend ayaw lang talaga nyang malaman ng iba na single sya kaya ayon sinabi nyang girlfriend nya ko"
"But You said he's the guy you love" natigilan ako sa sinabi nya.
pumeke ako ng ubo "Pwede ba nating puntahan si tashia?" pag iiba ko ng topic. baka kase hindi ko na mapigilan ang bibig ko masabi kong sya ang mahal ko.
"Gusto ko sanang maka usap si tashia pwede mo naman akong samahan kong nasan sya diba?" tanong ko ulit.
Tumango naman sya at pumara ng taxi. Nang maka pasok kami sa taxi ay wala ng nag salita samin.
Hanggang sa Makarating kami sa tapat ng V Mental Hospital walang kahit isang guard kaya naka pasok kami agad.
Sumakay na kami ng elevator pero wala paring gustong mag salita, tss. kung hindi ko lang mahal ang lalaking to baka kanina ko pa sya sinapak dahil sa pagiging tahimik at walang pake nya.
Ayaw ko kase sa mga taong tahimik gusto eh yong maingay at madaldal na katulad ko. kaya nga hindi ko alam kung pano ko nagustohan ang owen na to eh napaka tahimik nyang tao.
Tumunog na ang elevator kaya lumabas na kaming dalawa dumiretso agad kami sa kwarto ni Tashia.
Wala parin syang pinag bago naka tulala parin sya sa labas ng bintana habang bumubulong.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)
Romance15 Years ago Carren's Parents we're murdered and she saw it with her bare eyes but she got into an accident making her memories lost. and now she want to know who is the person behind his parents death. she want him/her to be punish.. She Work at Ol...