CHAPTER 26

484 11 0
                                    

CHAPTER 26

Nagising ako ng may maramdaman akong tumatapik tapik sa pisnge ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang maamong mukha ni sir owen.


Bali naka higa ako ngayon sa hita nya.. Inilibot ko ang paningin ko wala akong ibang nakita kundi ang maliit na pinto na mag kakasya lang ang tao kapag yumuko.

"Nasan tayo?" tanong ko kay sir owen at umalis sa pag kakahiga sa hita nya.

"Hindi ko alam kong nasan tayo.. kakagising ko lang din eh" sagot nya

"Baliw ka eh sumunod ka pa" ani ko sa kanya nabigla naman ako ng batukan nya ako.

"Kung hindi ako sumunod baka mag isa ka ngayon sugod ka kase ng sugod sinabi sakin ni Chief lahat kaya alam kong pupuntahan mo si Shiela Lopez pag nagising ka"

Napailing iling nalang ako at akmang tatayo na pero pinigilan nya ako. naging seryoso din ang kanyang mukha kaya napa titig ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko itinuro naman nya ang paa ko kaya napatingin ako don.

Ganon nalang ang panlalaki ang dalawa kong mata ng makita kong may bomba na naka kabit sa dalawa kong paa.

"Sa oras na tumayo ka dalawa ay mag sisimula ang timer at sasabog tay–" Hindi na nya natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang babaeng may katandaan na.

"Hindi ka pa ba nakontento na pinatay mo ang mga magulang ko kaya pati ako ay papatayin mo ngayon?" walang emosyon kong sabi. tumawa naman sya at lumapit sakin.

"Kung hindi dahil sayo ako dapat ang pina kasalan ni Bejamin at hindi ang malandi mong Ina" puno ng galit at poot na sabi nya na ikina kunot ng noo ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko Nag hila naman sya ng isang bangko at inilagay yon sa harapan namin ni sir owen saka umupo.

"Let me tell you a story.. Once upon a time merong limang mag kakaibigan si Bejamin Shiela , Aurora , Santi at kyla pero ang hindi alam ng iba ay mag kasintahan pala sila Bejamin at Shiela masaya silang dalawa dahil mahal na mahal nila ang isa't isa naka plano na ang lahat sa kanila ang kasal lahat lahat, pero isang gabi nalasing si Bejamin may nag lagay ng drugs sa inomin ni Bejamin at nagising nalang si bejamin na nasa loob na sya ng isang hotel walang saplot at sa katabi nya ay si Aurora nalaman yon ni shiela pero dahil mahal nya Bejamin pinatawad nya ang kaso nabuntis si shiela at ang ama ay si Bejamin handa namang panagutan ni Bejamin ang bata ng hindi pinapakasalan si Aurora kaso ang Aurora tinakot nya si benjamin na ipapalag lag ang bata kapag hindi sya pinaka salan si bejamin kaya kahit hindi mahal ni bejamin si aurora ay napilitan syang pakasalan eto at si Shiela naman ay naiwang mag isa na nag dudusa... Lumipas ang ilang taon nag kita ulit si bejamin at shiela walang nag bago mahal parin nila ang isa't isa kaya nag karoon sila ng relasyon. naging kabit si shiela at lahat ng taong nakaka alam sa sekreto nilang relasyon ay pinapatay ni Bejamin at nilalagyan ng mga marka na O.S na ang kahulugan ay 'Only Shiela' ang ibig sabihin ay si shiela lamang ang mahal nya. pero lumipas na ang ilang linggo hindi na nag papakita si bejamin kay shiela.. Pinapili ni shiela si bejamin kong sya ba o ang mag ina neto. pero ang pinili ni bejamin ay ang mag ina nya kaya nagalit si shiela at pinatay nya si Bejamin at Aurora at itinuro nya ang dati nyang kaibigan na si Santi bilang suspect sa krimen na hindi naman ginawa ng dati nyang kaibigan.. THE END"


Napa tulala nalang ako dahil sa mga narinig ko na sinabi nya. ngayon ay malinaw na sakin ang lahat alam ko na kung bakit nya ginawa yon.

Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

Yes I Get it Love Distroyed Her that's why she became evil but that doesn't mean she has the right to kill my parents.

"Sila lang naman pala ang may kasalanan sayo bakit mo pa dinamay ang si daddy na inosente?" biglang sigaw ni sir owen kaya sakanya napunta ang atensyon ko at ni Shiela.

"Yong daddy mo inosente? sya ang dahilan kong bakit nalasing nong gabing yon si bejamin sya ang nag lagay ng drugs sa inomin ni bejamin at sya din ang tumawag kay aurora para sunduin si bejamin kung hindi dahil sa kanya walang mangyayari kay aurora at bejamin eh di sana masaya kaming namumuhay ngayon ng lalaking mahal ko"

pareho kaming natahimik ni sir owen dahil sa sinabi ni shiela. sobrang daming impormasyon ang pumasok ngayon sa utak ko parang hindi ko kakayanin.

"Ngayon kayong dalawa naman ang isusunod ko at pag katapos nyo ay si Santi at Kyla naman" pag kasabi sabi nya non ay may kinuha syang parang remote sa bulsa nya at pinindot don ang malaking button na kulay pula. kasabay non ay ang pag andar ng oras sa bomba na nasa paa ko.

"Sampung minuto yan para naman makapag paalam kayo sa isa't isa" Pag katapos non ay umalis na sya at naiwan kami ni sir owen na tahimik lang.

"Ako lang ang may bomba sa paa kaya umalis kana please iligtas mo ang sarili mo" umiiyak kong sabi sa kanya at pilit syang itinutulk.

"Shh don't cry kung mamamatay man ako ngayon dito atleast kasama kita kaya masaya akong mamamatay" mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi nya.

Lumapit ako kaunti sa kanya at niyakap sya ng sobrang higpit. "Mahal kita Owen" Bulong ko sa tainga nya. mahina naman syang tumawa at humiwalay sa pag kakayakap ko.

Pinunasan nya ang luha sa mata ko gamit ang kamay nya, "Diba ang sabi mo papakasalan mo ko?" tanong nya na ikina tigil ko, dahan dahan akong tumango.

"Mukhang hindi na tayo maiikasal sa simbahan pero pwede naman sigurong dito nalang tayo ikasal no?"

Nanlaki ang mata ko ng mag labas sya ng cellphone mula sa bulsa nya, May pinag pipindot sya don.

"Omy gosh Owen buti naman tumawag ka. si carren ba kasama mo?" boses yon ni Gab kaya mas lalo akong nagulat.

Iniharap sakin ni owen ang screen ng cellphone at bumungad sakin don si gab na alalang alaalala ang mukha. inilayo nya rin ng kunti ang cellphone sa mukha nya kaya nakita ko ang iba pa naming kaibigan na alalang alala din.

"Deputa naman carren nasan ba kayo ha?" tanong pa ulit ni gab.

"Oum hindi ko alam kong nasan kami pero gab may ano kase eh.." tumigil ako sa pag sasalita at tumingin kay owen.

Tumango naman sya na parang sinasabi na sabihin ko na sa mga kaibigan namin ang sitwasyon namin ngayon.

"May bomba na naka kabit sa paa ko at kanina pa nag simula ang timer..." natahimik sila sa kabilang linya

"Tangina! open the location of your phone carren ita-track ka namin"

"Hahanapin namin kayo don't worry"

"Wait for us"

Nag kakagulo na sila sa kabilang linya, nakita namin yong iba naming kaibigan na may mga tinatawagan na.

Napatingin ako kay sir owen ng hawakan nya ang kamay ko. mahina nya yong pinisil sabay sabi ng

"I Love You"

Tatlong salita lang yon pero yon ang naging dahilan ng pag kabuo ng pasya ko.

"Tanggap na namin kung ano man ang mangyayari ngayon kaya chill lang kayo jan" nakangiting sabi ko na ikina tigil nilang lahat Kinuha sakin ni owen ang cellphone.

"baka hindi na kami maikasal sa simbahan maya pwede ba kayong mag papunta ng pari jan? baka pwede nya kaming ikasal at basbasan kahit sa cellphone lang pwede ba yon?" tanong ni owen, nag si tanguan naman sila gab at sila marvin kahit alam kung labag sa loob nila ay ginawa parin nila.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may pari na silang kasama.

"Father pwede nyo po ba kaming basbasan at ikasal netong babaeng to bago tuluyang sumabog ang bombang naka kabit samin ngayon limang minuto nalang po kase ang natitira at sasabog na tong bomba?"

Parang wala lang na sabi ni owen. halata namang nagulat ang pari dahil sa panlalaki ng dalawa nyang mata pero tumango parin sya.

"Ano bang pangalan nyong dalawa?" tanong ng pari

"Carren Angeles po at Owen Oliveros" sagot ko at tumingin kay owen na ngayon ay naka ngiting naka titig sakin.

Napatingin kami sa screen ng cellphone ko ng makarinig kami ng mga iyakan..

"Father mag simula kana po" sabay naming sabi ni owen kay father.

VICEKATE | V.K

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now