CHAPTER 19

468 9 0
                                    

CHAPTER 19

You can love anyone so much... But you can't love people as much as you miss them..

I Miss him, I Miss his smile, I Miss his voice, I Miss his presence..


"You know girl try mo kayang lumabas ng bahay mo no pupunta kami jan mag sho-shopping tayo" hindi ko alam ang isasagot sa sinabi ni Gab kaya naman pinatayan ko nalang ang tawag at bumalik sa pag kakahiga sa aking kama.


Hindi maganda ang pakiramdan ko ngayon pakiramdam ko lalagnatin ako. sobrang lamig kahit na tanghali na pakiramdam ko ay sobrang lamig.

Kaya nag talukobong ako ng kumot para kahit papano ay mabawasan ang lamig naka suot na din ako ng sobrang kapal na jacket pero wala rin malamig parin.

Tatlong araw ng ganto ang nararamdaman ko simula nong araw na yon na nag resign ako ay nag ka ganto na ako.

Tatlong araw ng sumasakit ang puso ko. hindi ako nakaka tulog dahil pag pipikit ko mukha nya ang nakikita ko ambigat bigat palagi ng pakiramdam ko.

Napa mulat ako ng bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko at pumasok sila gab na  dali daling tumakbo palapit sakin.

"Ok ka lang ba?" sabay sabay na tanong nila tumango lang ako pero mukhang hindi sila naniwala sa sinabi ko. biglang inilagay ni Zyra ang kamay nya sa leeg ko.

"The Hell? sobrang init mo, gab kumuha ng tubig at towel ikaw naman V mag luto ng lugaw o kaya ay sopas, ikaw naman emoji ibili mo ng gamot sa labas si carren"

Agad namang nag si-sunuran ang tatlo sa mga iniutos ni Zyra kaya naiwan nalang kaming dalawa dito sa loob ng kwarto ko.

Inalalayan nya ako sa pag upo, "Tell me what happend? tatlong araw ka ng hindi lumalabas dito sa bahay mo tapos nilalagnat kana pala hindi mo manlang sinabi samin kung hindi pa kami pumunta dito. ano balak mo bang mag pakamatay? sabihin mo lang ako na ang gagawa" mahabang sermon nya na ikina tahimik ko.


"he said he likes me and I Love h-him too zyra, pero hindi pa pwede dahil may mga bagay pa akong dapat ayusin at alamin.. My heart hurts!" Umiiyak na sabi ko halata namang nagulat sya sa mga sinabi ko at dahil sa pag awang labi nya pero agad din syang naka bawi at niyakap ako ng mahigpit.

"Hoy isali nyo kami andaya nyo" boses yon ni V naramdaman ko nalang ang pag yakap samin nong tatlo. medyo gumaan tuloy ang pakiramdam ko dahil sa kanila.

"Tapos na akong mag luto kaya kumain kana" ani ni V at humiwalay na sa pag yayakapan namin. Lumabas muna sya at pag balik nya ay may dala na syang tray na may isang bowl na lugaw at isang basong tubig.

"Ito na rin ang tubig at towel" si gab naman ang nag salita ipinatong nya ang maliit na itim na planggana sa mesa.

"Ito na ang gamot" iwinagayway pa ni emoji ang dala nyang plastik na nag lalaman ng gamot.

"Pupunasan mona kita bago ka kumain" sabi ni zyra habang pinipiga ang towel na binasa nya sa maligamgam na tubig.

Habang pinupunasan nya ako ay nakita kong kumukuha ng bagong damit si V sa cabinet ko.

Nang matapos na akong punasan ni zyra ay pinag palit na nila ako ng damit. simpleng kulay orange na padjama lang ang pinasuot nila sakin para daw komportable ako.

"Susubuan pa ba kita?" tanong ni gab pero umiling lang ako at kinuha ang kutsara saka nag simulang kumain ng lugaw. bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nilutong lugaw non ni sir owen.

Pag katapos kong kumain ay ininom ko na ang gamot na ibinigay ni emoji.

"Mag pahinga kana Carren babantayan ka namin" ani ni gab na ikina tingin ko sa kanya.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now