CHAPTER 8

486 12 0
                                    

CHAPTER 8

Nandito ako ngayon sa police station kahapon ko pa pinag iisipan kong sasabihin ko ba kay tyron ang mga nalaman ko o hindi, inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok sa loob. naabutan ko ang mga abala na police, ng makita nila ako ay nag si yukuan sila at binati ako tanging tango lang ang itinugon ko sa kanila.

"Asan si Tyron nandito ba sya?" tanong ko sa isa sa mga police.

"Nasa office po nya Lieutenant" sagot nya. nag pasalamat muna ako sa kanya bago mag tungon sa opisina ni tyron.

Tatlong beses muna akong kumatok bago pumasok. "Oh Carren anong ginagawa mo dito?" bungad na tanong sakin ni tyron pag kapasok pasok ko.

"I'm here to give you this evidence" seryosong ani ko at iniabot sa kanya ang brown envelop na ibinigay rin sakin ni floricel. napansin nya yatang seryoso ako kaya naging seryoso narin ang mukha nya

Kunot noo nyang tinanggap ang brown envelop na nag lalaman ng buong katotohanan tungkol sa S.O serial killing case.

Kitang kita ko ang panlalaki ang dakawa nyang mata habang binabasa ang mga papel nakita ko ring kinuha nya ang usb at ikinonect yon sa laptop nya.

Lumabas sa screen ang video ng isang lalaki na medyo may katandaan na naka suot din sya ng damit na pampulis.

'Ako si Inspector Castro ako ang may hawak ng kaso sa  SO. serial killing case at meron akong bagay na nalaman, hindi ako naniniwala na si Damian ang totoong killer kaya nag imbestiga pa ako at don ko nalaman ang totoo na si Bejamin anascion ang killer pero ang mga police na naka hanap ng ibang ibidensya ay binayaran nya para manahimik at isa ako sa mga binayaran nya. hawak ko ngayon ang lahat ng papeles at dukumento pati narin ang mga ibidensya na mag papatunay na sya ang killer. pero sigurado akong papatayin nya rin ako kaya ang video na to ay itatago ko at kung may makaka kuha man nito sana gawin mo ang tama'

Nang natapos ang video ay naramdaman ko nalang ulit na tumutulo na ang luha ko. pangatlong beses ko ng pinanood ang video na yan pero nasasaktan parin ako. ang taong gusto kong mabigyan ng hustisya ay isa palang mamamatay tao kaya nag dadalawang isip pa ako kung itutuloy ko pa ba ang ginagawa ko. si Bejamin anascion ay ang aking ama na hindi ko inakala na isa palang mamamatay tao.

ngayon ay kinamumuhian ko na sya,

"Tangana OK ka lang ba Carren?" nag aalalang tanong ni tyron ng makitang umiiyak ako. tumango lang ako sa kanya at matipid na ngumiti.

"Si Inspector Castro ang pinaka huling biktima.
20 years ago na Ang tatay mo pala ang totoong killer pero kahit na nalaman na nating yon wala na tayong magagawa dahil dalawangpong taon na ang naka lipas.. ang magagawa nalang natin ay linisin ang pangalan ni Damian Arvo at hanapin ang pumatay sa mga magulang mo yon parin ang misyon natin carren kailangan mahuli ang copy cut killer na yon dahil baka mambiktima pa sya ng iba.. kailangan rin nating malaman ang motibo nya.."

Muli akong nabuhayan sa sinabi nya. tama sya kailangan pa naming mahuli ang copy cut killer na pumatay sa mga magulang ko kahit manlang si mama at ang kapatid ko na nasa tyan nya nong namatay sya mabigyan ko ng hustisya.

"Ano ready kaba ulit bumalik sa trabaho mo Lieutenant Carren Angeles?" nakangising tanong nya tumango lang ako bilang pag sagot nagulat nalang nalang ako ng patakbo syang lumbas ng opisina nya at biglang sumigaw.

"Babalik na si Lieutenant Carren Angeles mag papa kain ako sa pinaka mahal na restaurant lahat kayo sagot ko" malakas na sigaw nya na ikina tawa ko. lumabas narin ako ng opisina nya. nang makita naman ako ng mga police na nandon ay nag si hanayan sila at sabay sabay na yumuko.

"Welcome Back Lieutenant Angeles masaya kaming maka trabaho ka ulit" sabay sabay na sabi pa nila.

"Masaya rin akong maka trabaho ulit kayo. ngayon palang mag ayos na kayo ng mga gamit nyo at ililibre daw tayo ni sir tyron nyo" nag si hiyawan naman sila at nag sibalikan na sa mga mesa nila.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now