CHAPTER 27

576 11 0
                                    

CHAPTER 27

Naka titig lang ako kay owen habang nag sasalita ang pari sa kabilang linya ng cellphone

"You may now say you vow to each other"

Napa tingin ako sa paa ko lima at kalahating minuto nalang ay sasabog na ang bomba.

Hinawakan ko ang kamay ni owen at tiningnan sya sa mata. kitang kita ko sa mga mata nya ang labis na kasiyahan nakikita ko rin sa mga mata nya kung gaano nya ako kamahal tama ang sabi nila na makikita mo ang lahat sa mata ng tao.

"Oum Pano ko ba to sisimulan? All my life wala akong ibang ginawa kundi ang hanapin ang taong pumatay sa mga magulang ko at dahil don nakilala kita pumasok ako sa kompanya mo at naging secretary mo. andami pang nangyari pero ngayon nandito ka sa harapan ko dahil isa kang baliw sumunod ka pa sakin pwede ka namang umalis na ngayon pero eto ka at balak akong samahan na mamatay ewan ko ba sayo baliw ka na ata pero kahit na baliw ka syempre mahal kita mahal na mahal na mahal at kung mabubuhay man ulit ako sa ibang panahon ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko sa tindi ba naman ng gayuma na pinainom mo sakin" mahabang  litanya ko habang pinipigilan ang pag tulo ng luha.

Tumawa naman sya at saka nag salita. "Siguro baliw nga ako, Baliw na Baliw sayo.. Hindi ko masasabing na Love at First sight ako sayo kase ang una naman nating pag kikita ay sinuntok mo ako sa muka, ilang linggo bago ko napansin na unti unti na akong nag babago, palagi na akong ngumingiti at dahil yon sayo. ayaw ko talaga sa mga babaeng matatapang ewan siguro kaya ayaw ko sa babaeng matapang kase hindi ko na sila kailangang protektahan ang gusto ko kase ay ako yong pumo-protekta sa babae hindi yong ako yong pino-protektahan pero ikaw ako yata ang ginayuma mo baka nilagyan mo ng gayuma yong mga kapeng tinitimpla mo para sakin at diba tinatanong mo kung bakit kita sinundan madali lang ang sagot jan. yong puso ko kase kahit na gaano ka pa kalayo gusto kang sundan pakiramdam ko naka tali na yong puso ko sayo kase hindi ko na kayang lumayo masakit dito sa dibdib"

Tinuro pa nya ang kaliwang dibdib nya kung nasaan ang puso nya. naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha sa mata ko "Sobrang sakit neto pag wala ka non ngang nireject mo ako sobrang sakit nito hindi ko naman alam na may iba pa palang dahilan kung bakit to sumasakit nag punta ako sa doctor...." sandali syang tumigil sa pag sasalita at malungkot na nguniti.

"Tingin ko ito na ang tamang oras May sakit ako sa puso. merong nakitang butas ang mga doctor sa puso ko at patuloy lang yong lumalaki ang sabi nila ilang linggo nalang daw ang itatagal ko." natulala ako dahil sa pag tatapat nya. napa iyak na ako ng tuluyan hinila ko sya papalapit sakin at niyakap sya. mahina lang akong umiyak ng umiyak sa balikat nya kaya nabasa ang damit nya.

"Carren Angeles Tinatanggap mo ba ang lalaking katabi mo ngayon bilang iyong asawa?" tanong ni father kaya napahiwalay ako sa pag kakayakap kay owen.

"Yes Father I Do" nakangiting sagot ko.

"Ikaw naman Owen Oliveros tinatanggap mo ba ang babaeng katabi mo bilang asawa?" nakangiting tumingin sakin si owen at tumango.

"Yes na Yes Father" sagot nya.

"And now Carren and Owen I Pronounce you husband and wife you may now kiss each other"

pag ka sabi sabi non ng pari ay saktong namatay ang cellphone ni owen. inilapag ko sa sahig ang cellphone at muling bumaling kay owen.

"I Love You" nakangiting sabi ko.

"I Love You too my Badass Secretary and now my wife hanggang sa susunod nating buhay ay mamahalin kita ikaw lang pangako" matamis ko syang nginitian.

"Pwede mo ba akong kantahan hindi pa kase kita naririnig na kumanta?" tanong ko ngumiti naman sya at tumango.

"Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago" nag simula na syang kumanta na ikina tahimik ko.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now