Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Secret 19: Home (Pt.1)

19.2K 99 25
                                        


Aristle's POV

I have a secret.

It happened when I was 19. It was one of my dirtiest secrets. Can you keep it?

"Guys nakita nyo na ba yung video?"

"Ah yun? Gago pre, pinanood mo yun?"

"Tanga, ang sexy kaya nung babae! Syempre papanoorin ko."

"Grabe, hindi ako makapaniwalang sya yun."

"Takot na takot pa ko sa kanya tapos mapapanood ko lang sya sa ganung sitwasyon?"

"Nakakadiri, balita ko marami na daw syang nabiktima---"

"Boys and girls at the back! What's the commotion there?"

Nakapangalumbaba kong nilingon ang mga kaklase kong sinaway ng prof namin. Agad nilang itinago ang mga cellphone nila at napatungo. Ah...They're talking about that issue.

Nung isang araw lang naganap ang live namin ni Sir Zack pero kalat na kalat na agad ito sa buong campus. Akala ko pa naman ay kokonting estudyante lang ang nakakaalam ng streamsite na yun kaya malakas ang loob kong sumali sa video. Mabuti na lang talaga at nagsuot ako disguise.

Dahil din sa video na yun ay nagsilabasan ang ilan sa mga estudyanteng pinilit ni Sir Zack makasex at ngayon ay inirereklamo sya. Habang ang iba naman ay anonymously na nagcocomment sa video ni Sir Zack at inerereveal ang mga pambablackmail nito. Missing in action naman si Sir Zack kaya ang Dean ang inaatake.

Nakakainis lang na sa bawat klase o hallway na lamang ay laging pag uusapan pa yung issue at madalas pang nagcocomment tungkol dun sa bunny girl. Ugh. Masyado nilang pinapaaala ang nakakakahiyang pangyayari na yun.

Pero mas mabuti na yun kesa naman issue ko ang pinagpipyestahan nila diba?

"Aris Buenaflor? Can you come with me for a moment?"

Naabala ang klase nang kumatok si Dean sa pinto at saka pumasok sa classroom. Nagtinginan lahat ng mga kaklase ko sakin pero nanatili lang akong walang reaksyon. Kalmado kong inayos ang gamit ko at saka naglakad sa harap ng room kung nasaan si Dean.

Fuck. Hindi naman siguro to connected kay Sir Zack, right?

"Bakit nyo po ako pinatawag, Dean?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palapit sa pinto

"No need to be nervous, you're not in trouble. There's someone who want to see you." Saad ni Dean nang makalabas kami at saka tumingin sa kanan ko.

Nang lumingon ako sa tinitingnan nya ay halos atakehin ako sa puso nang makitang halos katabi ko na lang si Eros. Nakasuot pa rin sya ng pang business attire na talaga nga namang nakaaagaw ng pansin ng mga estudyante. Pinagtitinginan tuloy kami.

"W-Why are you---"

"I'll go first, Mr. Buenaflor." Naputol ang sasabihin ko nang magpaalam na si Dean kay Eros.

"Sure, thanks Dean."

"No worries."

Nakatunganga ko lang pinanood ang usapan nila hanggang sa umalis na si Dean at naiwan kaming dalwa ni Eros dito. Nakatungo lang ako dahil ramdam na ramdam ko ang titig ni Eros sakin.

Shit. How should I react again?

Ah. Galit nga pala ko.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ang mata ni Eros. Isang linggo pa lang kaming hindi nagkikita pero hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan nya---Fuck! Galit nga dapat ako.

Her Dirty Little SecretsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon