Secret 23: Farewell

10.4K 58 8
                                        


Aristle's POV

I have a secret.

It happened when I was 19. It was one of my most vulnerable secrets. Can you keep it?

"I can't help you."

Para akong naestatwa sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Dark. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko kaya't muli ko syang tinanong.

"Anong sabi mo?"

"I can't help you right now, Aristle. Let's talk later." Sagot nya at saka ako pinatayan ng tawag.

Napaawang ang bibig ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang ganun nya lang ako bababaan ng tawag. And what's more, he fucking called me 'Aristle'.

Sa dalawang taong pagkakakilala ko kay Dark ay ni minsan hindi nya ko tinawag sa tunay kong pangalan. Kahit pa magmula nung malaman nya ang background ko. He would always call me 'Em'.

Alec's words rang in my ears again.

"Everyone left you already."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtantong baka nga tama sya. I got rid of Sir Zack too early. I can't reach Eros. And now, Zeo's gone and I'm losing Dark too.

"Hindi to pwedeng mangyari." Bulong ko sa sarili tsaka nagsimulang maglakad paalis sa tulay na yon.

I can lose every guy in my life, but not Dark. Not because I love him. But because he already knows too much. It pains me a lot just by thinking that I might not be able to trust him anymore.

"Just wait for me, Dark. I will never give you up."

---

"Miss, pasensya na po talaga. Hindi po kayo pwedeng pumasok." Sabi ng security guard ng village nina Dark.

Matapos ng pagtatapon namin ni Zeo sa ilog ay dumerecho na ko sa bar ni Dark pero wala sya ron. Kahit na nahihiya akong tanging shorts at manipis na sando at jacket lang ang suot ay sinubukan ko pa ring pumasok don. Mabuti na lang at nakilala ako ng manager ng bar ni Dark at sinabi nitong nakauwi na si Dark.

"Manong, hindi mo ba ako namumukaan? Ako ho yung babaeng laging kasama ni Mr. Ross." Nawawalan na ng pasensyang paliwanag ko.

Kanina pa kong nandito pero ayaw talaga akong papasukin. Ni hindi ko matawagan si Dark dahil dead battery na ang phone ko.

"Hindi po talaga pwede, Miss. Alam po ba ni Sir Lucius na dadating kayo?"

Hindi ako nakasagot. Mariin kong kinagat ang loob ng pisngi ko para piliting mapakalma ang sarili. I don't want to let my intrusive thoughts win.

My day is already bad as it is, I don't want to choose violence as much as possible.

Mawawalan na sana ako ng pag asa nang may tumigil na mamahaling kotse sa harap ko, or more like namin ng security guard. Ang akala ko ay si Dark na ito pero nadismaya ako nang magbaba ito ng bintana.

It was not Dark. But the guy looks so handsome and expensive even though he's just wearing simple clothes. I got distracted by his godly appearance that I forgot why I was standing here for a moment.

"Ay good evening po, Sir." Bati ni manong guard.

It took quite a while before the guy finally looked at us with his cold and unexpressive eyes.

"Is there a problem here?" Mahinang tanong nya, halos pabulong na.

Bakas sa muka ni manong guard ang gulat sa di malamang dahilan pero agad din naman itong nakabawi. Bahagya akong umatras para makapag usap pa silang dalawa nang mas maayos. Bigla naman akong may naisip kaya nang maging abala si manong guard ay kinuha ko na ang pagkakataong yun para pumuslit sa loob ng gate.

Her Dirty Little SecretsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon