Aristle's POV
I have a secret.
It happened when I was 19. It was one of my most pleasurable secrets. Can you keep it?
Halos mabingi ako sa lakas ng ingay at tugtog ngayon sa loob ng bahay nina Shana, kaibigan ko. Pareho kami ng college na pinapasukan pero magkaiba ang course namin.
Nandito ako ngayong gabi sa kanila dahil birthday nya at may paparty sya. Kahit na mas gusto kong tumambay na lang sa bahay ay di ko magawa dahil alam kong magtatampo sya. Hindi kasi ako nakaattend nung huling party nya.
"Happy birthday, Shan!" Bati ko sa kanya sabay abot ng regalo nang makita ko sya finally. Nakadress ito ng pula at mukang sya talaga ang bida ngayong gabi kaso muka ring nakaraming inom na sya.
Kanina ko pa syang hinahanap at nakailang shot na rin ako dito sa gilid kasama ang ilan sa mga kaklase ko. Mukang abala sya sa pag aasikaso ng iba pang bisita.
"Oh, hey Aris! Glad you came *hic*, come here!" Sinisinok nyang sabi.
Sumunod naman ako sa kanya nang hilahin nya ko. Maraming tao sa bahay at kahit saang gilid ay may nag iinuman. Habang sa gitna naman ay puno ng mga taong sumasayaw sa tugtog ng dj.
Marami sa kanila ay napapatingin samin at minsan ay naririnig ko pang tinatawag nila ang pangalan ko. Siguro ay karamihan sa kanila ay schoolmates din namin.
Madami din kasing muka ang pamilyar sakin pero nagulat ako nang makita ang isang mukang napakapamilyar sakin. Lumapit ito kay Shan at saka ito inalalayan. Mukang di nya pa ko napapansin.
"Zeo~ You're here too? I'm super touched, really!" Masayang saad ni Shan at napayakap pa kay Zeo.
Hindi ko maiwasang magtaas ng isang kilay. Magkakilala sila? I thought he's such a loner but he actually know other people and even came at their party, wow~.
"Oh! By the way, this pretty girl right here is my friend! The Aris Buenaflor of our school! Kilala mo naman siguro sya diba?" Hinila ako ni Shan palapit sa kanila kaya agad akong ngumiti sa kanya at saka napatingin kay Zeo na gulat ring makita ako.
"Of course, I know her. Kaklase ko sya." Sagot nya habang nakatingin sakin. Lalong lumapad ang ngiti ko nang ngumiti si Zeo sakin pero deep inside ay nabwibwisit na ko sa kanya.
Ang lakas ng loob nyang ngitian ako matapos nya kong hindi pansinin ng isang linggo dahil 'busy' sya? Our classes became less exciting because Zeo isn't there to argue with. Right, to argue with.
"Really?! *Hic!* Then I guess I can leave her to you?"
"What?" Tiningnan ko si Shan na gegewang gewang na habang nagsisimula nang maglakad palayo sakin.
"Sorry, Aris! I gotta go and greet others. You can stay with Zeo, he's a good guy! Byeee~" Paalam nya at kumindat pa sakin bago tuluyan nang nawala.
"Wait, Shan! I'll just stay with you-" Sinubukan ko pa syang habulin pero napatigil ako nang hilahin ni Zeo ang braso ko.
"Do you still hate me?" Bigla nyang tanong kaya napalingon ako sa kanya.
He's wearing a white shirt inside his opened black polo shirt. Black pants naman ang pang ibaba nya. Medyo magulo din ang buhok nya at suot nya ang salamin nya. Simple lang pero lutang na lutang ang kagwapuhan nya.
BINABASA MO ANG
Her Dirty Little Secrets
Diversos19 years old Aristle Emery Buenaflor has secrets, in fact she has many of them. Too many that it's so hard to keep them a secret anymore. "Walang sekreto ang hindi nabubunyag." Watch as her f*cked up life gets more f*cked up as her (dark and dirty)...
