Aristle's POV
I have a secret.
It happened when I was 19. It was one of my naughtiest secrets. Can you keep it?
"Are you sure you're okay?" Tanong ni Dark matapos itabi ang sasakyan malapit sa may school ko.
Nilingon ko naman sya at saka tipid na nginitian. Pinagmasdan ko muna ang gwapo nyang muka at saka ito inappreciate. I need this to have energy for classes.
"Of course." Sagot ko at binuksan na ang pinto ng shotgun seat.
"I'll pick you up later." Pahabol nya pa bago ko isara ang pinto ng kotse. Nag thumbs up naman ako sa kanya at saka kumaway nang paandarin na nya ang kotse.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad papasok ng campus. So many shits happened last week I almost considered not attending my classes today.
Pero marami na kong absent nung isang isa pang linggo at absent ako buong week last week. At isa pa, I need to check something. Masyado na ata akong naging chill sa bahay ni Dark na I didn't even bother asking my friends kung ano nang nangyayari sa school.
Nang makapasok sa building namin ay agad na napatingin sakin lahat ng tao ron. Lagi naman nila akong pinagtitinginan pero iba ang tingin nila ngayon.
"Si Aris."
"Wow, nagawa nya pa talagang pumasok?"
"I can't believe her."
I stayed calm despite hearing their murmurings and confidently walked through the hallway.
There's always rumors about me but I'm too concerned about this one. Baka mamaya ay tungkol ito samin ni Zeo, although last last week pa yun. May nakakita ba samin nang lumabas kami ng bahay nila nung birthday ni Shan?
Marc. Fuck, is it him?
I was about to head straight to our classroom nang harangin ako ni Michelle. Ano na namang problema nya?
"Nandito na pala yung anak ng pokpok." Nang aasar na sabi nya dahilan para magtawanan ang mga estudyanteng nakarinig nito.
Anak ng pokpok?
So it wasn't about Zeo and I.
Medyo naguguluhan pa ako sa sinasabi nya but it was probably about what happened last week. Hindi ko akalaing pati dito ay kumalat yun.
Wala naman akong pakialam sa sinasabi nila. Ni hindi ko nga alam kung bakit big deal sa kanila yun. Alam naman nilang ampon lang ako ng mga Buenaflor pero bakit kung kelan saka lumabas na may dugo talaga akong Buenaflor ay saka naman nila ginawang big deal?
Ewan ko sa kanila.
But I do care about what and how they know it though. At kung hanggang saan na din ang alam nila.
"Nasikmura mo pa talagang pumasok?" Hindi makapaniwalang tanong naman ng isang minion nya.
"Nasikmura ko nga ang mga pagmumuka nyo eh, pumasok pa kaya?" Mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig nila.
And guess what? Para na agad silang kamatis sa pula ng muka nya dahil sa galit.
"Bitch! Inilabas mo din ang tunay mong kulay sa wakas!" Galit na sigaw ni Michelle.
Ugh. Lahat na lang ba ng makakasalamuha ko ay sisigawan at kagagalitan ako? Yan na ba ang bagong love language?
"Are you done? Pede na ba kong dumaan?" Tanong ko naman at dadaan na sana sa gilid nila pero humarang pa rin sila.
BINABASA MO ANG
Her Dirty Little Secrets
De Todo19 years old Aristle Emery Buenaflor has secrets, in fact she has many of them. Too many that it's so hard to keep them a secret anymore. "Walang sekreto ang hindi nabubunyag." Watch as her f*cked up life gets more f*cked up as her (dark and dirty)...
