Secret 11: Shitty Truth

13.2K 77 10
                                    


Aristle's POV

I have a secret.

It happened when I was 19. It was one of my shittiest secrets. Can you keep it?

At gaya nga ng pinag aalala ko ay nakasalubong namin si Max paglabas na paglabas ng kwarto ko. Mukang gulat at masamang tingin ang pinukol saming dalwa, or more like, sakin.

"What the hell did you---"

"I'm gonna go and get change." Pinutol ni Eros ang sasabihin ni Max at saka nagpaalam sakin bago prenteng prente na naglakad papunta sa kwarto nya.

Yun ang 'what the hell'. Parang wala lang sa kanya na nakita kami ni Max! Oh yeah, baka nga kagabi---kanina nya pa kami naririnig dahil magkatapat lang ang kwarto namin!

"You bitch. Lahat na lang talaga ng lalaki, eh no?" Nang aakusang tanong nya.

Napabuntong hininga naman ako saka sumagot, "Max, it's not what you think."

"What? Anong alam mo sa iniisip ko? Si kuya pa talaga---nakakadiri ka!" Sigaw nya at saka nagmamadaling umalis patungong hagdan.

Ouch, aray. Ang sakit naman non. Like, sobra.

"Mom and Dad will be here at breakfast, good luck na lang sainyo!" Pahabol nya pa bago tuluyang bumaba ng hagdan.

Hinatid ko lang sya ng tingin at saka naglakad palapit ng hagdan para dumungaw sa first floor.

They're coming, huh?

Kaya pala may ibang mga tao ngayon. Abala sila sa paglilinis at siguro pagluluto rin. Nang mapatingin ang isa sa kanila sakin ay agad itong napatungo at umalis.

Did they hear Max? Napakalakas pa man din ng boses ng babaeng yun.

Iritasyon. Kaba. Galit. I should be feeling those by now but I---

Napabuntong hininga na lang ako't tinigil ang pag iisip. Bumaba na rin ako ng hagdan nang marinig na may pumasok na sasakyan sa garahe.

Agad naman akong lumapit sa main door para pagbuksan sila ng pinto. Nakangiti kong sinalubong si Dad matapos nitong makapasok.

"Hey, Dad!" Masigla kong bati sa kanya.

Agad naman itong napangiti nang makita ako saka sya lumapit para yakapin ako.

"Oh, Aristle! You're here? Wala kang klase?"

"Dad, linggo ngayon." Paalala ko sa kanya kaya natawa kaming dalwa pero agad din yong naputol nang pumasok si Tita Alena, asawa ni Dad, na may masamang tingin.

"You're still here? Ang kapal naman ng muka mo." Pigil ang galit nitong sabi sakin.

Agad na nangunot ang noo ko. Alam kong may galit din sya sakin pero hindi ko maintindihan kung bakit nya sinabi yun.

Si Tita Alena ang ina nina Eros at Max, at asawa ni Dad. Pero ayaw na ayaw nyang tinatawag ko syang 'Mom' kaya Tita Alena na lang. Hindi kasi sya sang ayon sa pag ampon sakin ni Dad.

"Ano bang sinasabi mo, Alena?" Nagtatakang tanong naman ni Dad.

Nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga katulong dito sa bahay. Dagdag pa si Maxene na kadadating lang at halatang isusumbong ang nakita nya kanina.

"Mom---"

"Later, Max. There's something I need to do first." Pigil ni Tita kay Max at sabay pa silang tumingin nang masama sakin.

Her Dirty Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon