Secret 24: Comeback

3.9K 16 2
                                    


Aristle's POV 

I have a secret. 

It happened when I was 19. It was one of my scariest secrets. Can you keep it?

"Ate, okay ka lang ba?" 

"Oy tulungan nyo si ate mukang babagsak na oh."

Hindi ko pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. Nagpatuloy lang ako sa mabagal na paglalakad patungong unit ko. Nakasandal ang katawan ko sa pader para sa suporta habang binabaybay ang mahabang hallway.

May ilang nagbalak tulungan ako pero tumanggi ako. Gusto kong matawa nang maramdaman ko na naman ang mga sakit na dinadala ko. Both physically and emotionally. 

Looks like I'm still capable of feeling something else aside from lust.

Magmula nang makalaya ako mula kay Alec, akala ko magiging manhid na ko habang buhay. I thought I'll be able to put aside my sanity and just continue living by wearing masks that suit other people's preferences. 

Natigilan ako nang makita ang repleksyon ko sa nadaanang glass door. I look so wasted and pitiful. 

How did I end up like this? 

Ah. Everything went downhill ever since the news of me being a bastard child of the Buenaflors came to light. Hindi na dapat nabunyag ang sekretong yon kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ko. Kung hindi lang nangyari yon...

"Ah---!" 

Bahagya akong natauhan nang malasahan ang dugo sa loob ng bibig ko. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala pinanggigigilan ang sariling dila.

I continued walking painstakingly. Gusto ko nang magpahinga sa unit ko.

Agad akong napabagsak nang tumigil ako sa harap ng pinto ng unit ko. Pagod na pagod na ko.

Nagulat ako nang magbukas ang pinto at bumungad sa harapan ko si Logan. Agad itong lumapit sakin at tinulungan akong makatayo.

"Where have you been, Aris? Kanina pa kitang hinahanap pero wala ka dito sa condo mo." Nag aalalang sabi nya.

Ah, I forgot.

I'm not alone yet. He's still here. Eros too. 

Agad akong napayakap kay Logan nang maramdaman kong nanghihina na ulit ang mga tuhod ko.

"Aris?"

"I want to rest." 

Inalalayan nya kong makapasok sa loob. Halos papikit na ang mga mata ko nang may maramdaman akong mali. May naaamoy akong kakaiba.

"May iba pa bang tao dito?" Nagtatakang tanong ko kay Logan. Ngumiti naman ito sakin.

"Napansin mo agad yon? Tama ka, Aris. May bisita ka. Kanina pa syang naghihintay sayo." Imporma nya sakin saka ako binitawan. Sinenyasan nya kong lumapit sa sala. 

Bisita? Is it Eros?

Dahan dahan akong naglakad patungong sala. Iniisip ko kung sinong bisita tong tinutukoy ni Logan nang may maamoy na naman ako. 

Agad akong napako sa kinatatayuan. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga kamay at paa ko nang dumaan sa ilong ko ang isang pamilyar na amoy.

Amoy sigarilyo.

Pero hindi naninigarilyo si Eros. 

Napasinghap ako nang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa ang isang lalaking nakatalikod sakin. Matangkad ito at malapad ng likod. Nakasuot sya ng pamilyar na itim na long sleeves na polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. 

Her Dirty Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon