Secret 30: Salvation

4.7K 18 3
                                    


Aristle's POV

I have a secret.

It happened when I was 20. It was one of my holiest secret. Can you keep it?

Dark came to save me. But that was it.

"Em.. wake up. Em... Aristle."

Nagising ako sa mahinang pagtapik ni Dark sa braso ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. Nasa loob pa rin kami ng lumang building pero wala na kami sa kwarto ni Alec.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Walang lakas at masakit ang bawat parte ng katawan kong nakabalot na sa malaking coat ni Dark. Buhat niya ko nang naka bridal style habang naglalakad.

"Dark?" Mahina ang boses na tawag ko.

"Em? Mabuti na lang at nagising ka." Dark said with a relieved tone.

I looked up to see his expression pero nagulantang ako nang makitang duguan ang isang gilid ng noo nya hanggang sa may balikat nya. Ganoon rin ang mga kamay nyang may hawak sakin.

"D-Dark... you're bleeding." Naiiyak na puna ko. Binigyan nya lang ako ng isang ngiti na para bang nagsasabing wala akong dapat ipag-alala.

We're always like this. I always get myself into trouble, and Dark would always come to save me. He would sometimes get hurt just like now, but he will never blame me for it.

My heart felt so heavy when I noticed that he's having trouble walking properly but he still chose to carry me. My tears just kept flowing down to my cheeks. Parang tinutusok ng milyon milyong karayom ang puso ko at para bang may nakabara sa lalamunan ko.

"Sshh... Em. Don't cry, I'm fine." He assured me but it only made me want to cry even more.

What the hell is this feeling? Am I feeling this?

"Why did you saved me? Bakit ba palagi mo na lang akong inililigtas?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

Dark stopped walking and gently put me down on. Nakaalalay pa rin sya sakin at nag aalalang bigla na lang akong matumba. Nang masiguro nyang kaya ko pang tumayo nang mag-isa, hinarap nya ako saka tinitigan sa mata.

"Hindi ba't nasabi ko na sayo ng dahilan ko? It's because you caught my interest." Seryosong saad nya saka pinunasan ang mga luha ko.

"Bullshit." Natawa sya sa mura ko.

"To be honest, hindi ikaw ang ipinunta ko dito. Nagkataon lang na iisa ang problema natin." Prangkang sagot nya.

Si Alec?

I don't know why but all of a sudden, all the needles that have been pricking my heart disappeared. It went back to being numb. It went back to normal.

Now, I feel relieved thanks to Dark's straightforwardness.

"Let's not talk about dead people, okay?" Nakangiti ngunit seryosong saad ni Dark bago sumenyas na magpatuloy na kami sa paglalakad. 

Kating-kati man akong malaman kung anong koneksyon ni Dark kay Alec, pinili ko na lang na huwag magtanong. Tama rin naman sya, wala nang saysay kung pag uusapan namin ang taong patay na.

Or so we thought.

"Totoo pala talaga ang kasabihan." Natatawang sabi ni Dark saka pasimpleng ihinarang ang katawan nya sakin. "Ang masamang damo, matagal mamatay." Dagdag nya habang nakatitig kay Alec na nakatayo hindi kalayuan samin.

Duguan ang naghihingalo na nyang katawan habang may hawak na baril na syang nakatutok samin. Pero imbis na matakot ay kinaawaan ko lang sya.

He looks like he'll die the moment the wind touches his skin.

Her Dirty Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon