Chapter 17

262 5 1
                                    

Chapter 17 : Apply

Papunta pa lang ako ngayon sa kompanya nila Thunder. Nagmamadali rin akong mag-almusal kanina dahil late ang gising ko.

And for sure marami ng tao doon sa kompanya nila dahil marami talagang gustong mag-apply sa company nila. Hindi lang dahil sa malaki ang sahod pati na rin dahil maganda ang ratings ng kompanya nila.

Alas nuwebe ng umaga magsisimula ang interview at alas nuwebe bente singko na ngayon. See? Late na talaga ako nagising dahil napasarap ang kwentuhan namin nila daddy.

Pagkadating ko sa company nila ay alas nuwebe kwarentay nuwebe na. Medjo mataas na rin ang pila. Sana naman hindi ako maabutan ng cut off nila dahil kapag nangyari 'yun maghihintay na naman ako ng huwebes.

May katabi akong dalawang babae na mukhang magkakilala ata dahil mukhang close na close sila.

"Alam mo ba na pupunta dito si Mr. Fiero, 'yung may-ari? Hindi 'yung tatay ah? Kundi 'yung anak, 'yung bagong CEO, para daw sumali sa pag-interview. Rinig ko rin kanina sa isang employee ata dito na minsan lang ito mangyari kaya sana naman siya ang mag-interview sa'tin 'no?" napakunot ang aking noo dahil sa narinig.

"Ay oo narinig ko rin 'yan kanina. Sana nga. Gwapo pa naman si Mr. Fiero ang hot niya beh nakakalaglag panty. Konti nga lang pic niya sa internet kadalasan mga tag lang galing sa mga business partners niya. He's the hottest CEO nga!" I heard the both of them giggled.

My phone beep kaya napatingin ako doon.

From : Mr. Husband

Where are you already?

Kahapon ko lang pinalitan ang name niya dahil ang cute and the same time gwapo niya kahapon. Kahapon lang.

To : Mr. Husband

Nasa pila pa.


From : Mr. Husband

Gusto mo paunahin na kita?

To : Mr. Husband

Na'ko huwag na and may sasabihin sana ako sa'yo. Nakalimutan kong sabihin kahapon.


From : Mr. Husband

What is it?

To : Mr. Husband

Diba mag-wowork ako as a normal employee in your company? Uh can we I mean as much as possible let's not interfere each other's work. You know? Baka kasi hindi patas ang turing nila sa'kin kapag nalaman nilang mag-asawa tayo? Can we do that?


From : Mr. Husband

If you want to. Just promise me that you'll behave.

To : Mr. Husband

I'll behave I promise!

Umingay ulit ang dalawang katabi ko kaya napatigil na'ko sa ginagawa at ipinasok ang cellphone sa loob ng bag.

Kaya pala nagtitili ang dalawa sa tabi ko dahil sila ang sunod. Nakaramdam rin ako kagaya nila. Pa'no kung hindi ako maka-pasa? Saang company ako mag-aaply?

Napa-buntong hininga na lamang ako habang naghihintay na ako na ang tawagin. Pumasok na 'yung isa sa kanila dahil tinawag na siya. Simple king tinignan ang katabi kong mukhang mahihimatay na ata sa kaba.

I mentally smile kasi pareho kami ng nararamdaman. This is just a piece of cake, Amora. You can do this. Napasinghap ako ng hangin nang lumabas na 'yung pumasok na babae kanina.

Arrange Marriage to the Mafia BossWhere stories live. Discover now