[MARK's POV]
Christmas eve na. Napagkasunduan ng mga magulang namin ni Carly na dito nalang sa bahay maghanda at sa new year ay kina Carly namam.
"Kuya.. Bumaba ka na daw. Malapit ng mag-twelve." tawag ni Brianna
"Sige, susunod na ako" sagot naman niya. Dala ang mga regalo, bumaba na siya .
Nagkakasiyahan na ang pamilya niya at sina Carly ng makababa siya.
"Buti naman at bumamaba ka na anak." sabi ng mama niya
"Opo. Medyo maingay po kasi kanina dito kaya umakyat muna ako. Di kasi kami magkarinigan ni Alliyah."
"A ganun ba. Sige. Merry Christmas anak." bati ng mama nya sabay halik sa pisngi niya
"Merry Christmas din po .."
~~~~~~~~
"5.........4...........3........2..........1....... MERRY CHRISTMAS!!!!!!!!" sigaw nilang lahat
Hindi na sila magkamayaw sa pagbabatian at pagbibigayan ng regalo..
"Bestfriennnnnd ... Merry christmas .. ^_^ .." bati ni Carly at niyakap siya nito. Gumanti din naman siya ng yakap
"Merry christmas din bestfriend.. Here.." sabi niya sabay abot ng regalo niya.
"Thank you bestfriend.. ^_^ ..Kaso, wala akong gift sayo e.." sabi nito
Ouch ... Wala?? Ngayon lang ako walang gift galing sa kanya a.. Hindi naman sa nag-eexpect ako ng mamahaling regalo galing sa kanya, pero gustong-gusto ko kasi yung mga galing sa kanya.. Hindi siya gumagastos ng malaki, nagrerecycle lang siya. Napaka-creative niya kasi e.
"Sige ayos lang. Sige na buksan mo na yang gift ko sayo." sabi niya na hindi ipinahalata ang disapointment
Binuksan naman nito agad ang regalo niya
O_O
"O MAY GHAAAD ... BEAUTIFUL CREATURES AT JUST LIKE HEAVEN at PARA SA HOPELESS ROMANTIC !!!! SA AKIN TALAGA TO?" hindi makapaniwalang sabi nito.
"Oo sa iyo yan" sagot naman niya
"Thank you so much.." sabi nito at niyakap siya. Hinalikan siya nito sa magkabilang pismgi
"You're so much welcome amazona.. Hahaha"
"Amazona pala ha..." ibinaba nito ang regalo niya at kiniliti siya.. Mababaw lang kasi ang kiliti niya
"Carly..ano ba .. Tama na... Hahaha.."
"Amazona ako di ba... E di ayan.. Papatunayan ko sayo na amazona nga ako.." sabi nito at kiniliti ulit sia.
Sa wakas at nahuli niya ang mga kamay nito.. Nagtitigan sila.. Nagsukatan ng tititg.
"Time for revenge.." sabi niya.. Kung gaano kababaw ang kiliti niya, ganun din kay Carly. Kinorner niya ito at kiniliti ng husto.
"Ahhhh...Mark. Tama na..." sigaw nito
"Na a.. Hahahaha.."
Ilang ulit itong nagpumiglas at sa huli nakawala din.
"Dahil... dyan... Hindi.. ko ibibigay.. ang gift mo..." sabi nito habang naghahabol ng hininga.
"Ano?? May regalo pala ako bat sabi mo wala.. Alam mo bang sumama ang loob ko.. Akin na .. Sa akin yun e, regalo ko yun. Wag kang mag-angkin ng di sayo" paglilitanya niya