chapter 36

331 18 11
                                    

Here's the update.. ^^... Sana magustuhan niyo :)

~~~~'

[HARRY's POV]

Dahil long weekend, napagkasunduan naming apat na mag-overnight sa bahay nina Mark, specifically, sa tree house nila.

"Hoy kayong dalawa, wala na ba kayong ibang gagawin kundi magbasa?" agaw ko ng pansin nina Carly at Alliyah

Tumingin lang sila sa akin at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

Kesa naman tumunganga siya, sinundan nalang niya si Mark sa bahay nila para tulungang magbitbit ng mga kakainin nila.

"Hi kuya Harry." bati ni Brianna

"Hello. Asan si Mark?" tanong niya

"Nasa kusina po. Puntahan niyo nalang po siya doon." sagot naman nito

"Sige salamat." sabi niya at dumiretso na sa kusina

"Tulungan na kita" alok niya kay Mark

"O nandiyan ka pala. Sige, mabuti pa nga. Di naman ako si superman para mabuhat ang lahat ng ito." pabirong sagot nito

"Ai wala Mark.. Kaluluwa ko lang ito. Minumulto ka. Haha .." sabi naman niya

"Ang nahawa.. Bow.." pambabara nito

Tumawa lang siya..

"Hindi ka makatagal sa dalawang yun no?" tanong nito

"Sinabi mo pa. Parang anino lang ako dun. Mapapanis ang laway ko sa kanila" reklamo niya

"Hahaha.. Dika na nasanay sa dalawang yun. O siya tulungan mo na akong magbitbit ng mga to dahil sigurado, gutom na ang mga yun. " sabi ni Mark

Tinulungan na nga niya ito at bumalik na sila sa tree house.

"Ano yang mga pagkaing dala niyo?" tanong ni Carly

"Tignan mo ng malaman mo." pambabara ni Mark

*batok*

"Arraay!! Bakit ka na naman nambabatok?" reklamo ni Mark

"Nagtatanong ako ng maayos! Ayusin mo pagsagot mo!" sabi naman ni Carly

"Tss! Amazona!" pabulong na sabi ni Mark

"Oy oy! Tama na yan.. Kumain nalang tayo." awat naman ni Alliyah

"Nandyan na po nanay. " biro naman niya

"Che! Shatap.." irap naman nito

Tumawa nalang siya..

Habang kumakain sila ng chichirya, nagbabasa pa rin sina Alliyah at Carly..

"Carly..." sabay nilang tawag ni Mark

O.o ?

"Problema niyo?" tanong naman nito

"Samahan mo ako, maglakad-lakad tayo." sagot niya

"Kita mong nagbabasa ang tao e." reklamo niya

"Halika na.. Dami pang arte."

"Ano naman ang sasabihin mo Mark?" tanong nito kay Mark

"H-ha? W-wala.. Sige na, samahan mo na si Harry." sabi naman ni Mark

"Sus.. Gusto lang masolo si Alliyah e. Oo na. GETS ko na.. Halika na nga bestfrenny." sabi ni Carly at padabog na bumaba ng treehouse

"Carly, hindi naman sa ganun." habol ni Mark

"Wag kang sumunod pababa kundi uuwi na ako. Bestfrenny, akala ko ba gusto mong maglakad-lakad?!! Tara na!" tawag ni Carly

"Mag-ingat ka nga pababa baka mahulog ka. Oo na di na ako susunod sayo pababa but please. Mag-ingat ka naman sa pagbaba." sabi ni Mark

"Ako ng bahala sa kanya, Mark." sabi niya at bumaba na rin.

Tumango lang si Mark.

[MARK's POV]

Kahit kailan talaga tong amazonang ito napaka-sensitive.

Wala na siyang nagawa kundi umupo nalang ulit..

"Lalamig din ulo nun mamaya. Kayo kasi inistorbo niyo pagbabasa niya." sabi ni Alliyah

"Sorry kung nagulo pagbabasa mo." sabi niya

"Ano ka ba ayos lang.. Nood na lang tayo."

"Sige.. Napaka-tigas kasi talaga ng ulo nung babaeng yun. Isip-bata kung minsan." umiiling na sabi niya at uminom ng Coke in can.

"Mahal mo naman. Haha" sabi ni Alliyah.

Nasamid siya sa narinig.

"Okay ka lang?" tanong nito

"H-ha?? Oo.. Nagkamali lang ako ng pag-inom. Anong gusto mo panuorin?"

"Hmmm.. Yung Paano Na Kaya..."

{Note: Sa mga dina nakakatanda ng movie, yan po yung movie ng KimErald noon with the famous line "SHINOTA MO ANG BESTFRIEND MO".. haha }

"May pinaghuhugutan?"

"Hahaha.. Wala naman. Bigla ko lang naalala yung movie na yun. E gusto ko ulit panoorin. Bet ko kasi yung line ni Kim doon.."

"Sample nga yung line niya doon.. " kantyaw niya.

"Ayoko nga. Pagtawanan mo pa ako e.."

"Haha.. Hindi . Promise!."

"Hindi ko na tanda yung exact words e."

"E di gumawa ka ng sariling version mo." pangungulit niya

"Sige na nga.. Pag ako pinagtawan mo uuwi na ako.." banta nito at kumuha ng buwelo...

"Boks.. Shinota mo ako e. Shinota mo ang bestfriend mo." sabi nito with all the emotions

Hindi ko alam pero parang may kung ano siyang naramdamang di niya maipaliwanag..

[CARLY's POV]

"Carly.." mahinang sabi ni Harry

"O bakit?"

"Paano kung...."

"Paano kung ano?"

"Paano kung ligawan kita ulit??"

####

what yah think? nakabawi ba o lame pa rin? haha

Fallen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon