chapter 30

304 14 0
                                    

[CARLY's POV]

Nagbabasa ako ng may kumatok mula sa terrace.

*toktoktoktok*

Lumabas ako para tignan kung sino.

"Mark ikaw pala."

"Yeah.. Bakit may ine'expect kang iba?"

"Wala naman.. It's just that.. Matagal-tagal na rin ng dika dumalaw."

Ngumiti ito.

"Busy ka?" tanong nito

"Hindi naman.. Nagbabasa lang ako ng novel."

"Halika dito sa labas." yaya nito

Lumabas naman siya. Umupo sila sa sahig at tumingin lang sa mga bituin.

"Na-miss ko ito." sabi ni Mark

"Ako din."

"Mula ng magka-boyfriend ka na, di na natin to nagagawa."

Hindi siya umimik.

"Carly..."

"Hmmm?"

"Dito nalang ako matulog."

"Loko-loko ka talaga. Kung inaantok ka na, umuwi ka na. Haha"

*pout*

"Sus. Wag ka ngang mag-pout. Di mo bagay Mark. Para kang bakla. Hahaha."

"A ganun. Parang bakla ha." pagkasabi nito kiniliti siya.

"Aay.. Ano ba Mark.. " pilit siyang nagpumiglas pero di siya makawala rito.

"Sino ngayon ang bakla."

"Kung di mo ako bibitawan, ikaw ang bakla. :-P "

"Pag binitawan kita, aalis ka na. Ayoko nga. I want us to stay like this.... Even just for a while." seryosong sabi nito.

Hindi siya umimik..

"Carly..."

"Hmmm??"

"Alam mong mahal kita at ang kabutihan at kasiyahan mo ang hangarin ko. Sana, huwag mong mamasamain itong sasabihin ko dahil ito ang alam kong tama."

"M-Mark?? Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko mahal mo si Harry.. Pero....... Dapat mo na siyang hiwalayan."

O.O

Lumayo siya dito.

"Mark..... Alam ko may alitan kayo ni Harry pero sana naman huwag mong idamay ang relasyon namin."

"Wala kaming alitan ni Harry. Lalake ako at alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga kinikilos niya."

"Umalis ka na Mark."

"Carly, totoo ang sinasabi ko. Ayokong masaktan ka kaya hanggat maaga pa, sinabi ko na sayo para ikaw na mismo ang umiwas."

"Umuwi ka na Mark."

"Please, pakinggan mo naman ako o. Hindi ko sinasabi ito dahil gusto kong sirain ang relasyon niyo. Sinasabi ko ito dahil ayaw kitang masaktan."

"Sa tingin mo, yang mga pinagsasabi mo ngayon, hindi ako nasasaktan ha? Sino ka ba para sabihin kung ano ang ibig sabihin ng mga kinikilos ni Harry. Mag-bestfriend lang tayo Mark, at wala kang karapatang diktahan ako." galit na galit na siya pero nagtitimpi siya dahil baka magising ang mga magulang niya.

"Oo nga Carly. Mag-bestfriend lang tayo. Pero ito lang ang masasabi ko sayo, pinagdadaanan ko rin ang pinagdadaanan niya ngayon kaya alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga kinikilos niya. At ikaw na rin ang nagsabi, mag-bestfriend tayo, alam kong alam mo na kailanman, hindi ko hahangarin ang masaktan ka. Sige, goodnight Carly." pagkasabi niya iyon, umalis na ito.

Naiwan siyang gulong-gulo ang isipan..

Anong pinagdadaanan ni Harry na pinagdadaanan din ni Mark?

Bakit ba gusto niya akong makipag-hiwalay kay Harry? Wala naman akong nakikitang ginagawa ni Harry na mali....

Oo nga at minsan moody sila pareho.. Para yun lang, makikipaghiwalay na ako?

Haaaays...

Gusto man niyang ituloy ang binabasa kanina, wala na siya sa mood.

Tinext niya si Harry pero di ito nagreplay..

"Tulog na siguro.." sabi niya sa sarili.

Ipinasya niyang matulog na rin. Kahit nahirapan dahil bumabagabag sa kanya ang mga sagutan nila ni Mark kanina, pinilit pa rin niyang maka-tulog.

Fallen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon