[ALLIYAH's POV]
Hindi naman ako bulag para di makita na umiiyak noong isang araw si Carly.. Ayaw lang niyang sabihin..
Kinausap niya si Harry...
"Boks... Bawas-bawasan na natin ang paglabas-labas natin.." sabi niya kay Harry
"Ha bakit naman?"
"Boks .. May boyfriend ako, may girlfriend ka.. Sa paglabas-labas natin, nawawalan na tayo ng oras sa kanila."
"Busy naman si Mark sa SSG di ba.."
"Si Carly.. Boks, girlfriend mo si Carly.. Babae din ako at alam ko, hindi man niya sabihin ng harapan, alam ko nasasaktan siya."
"Boks... wala akong ginagawang makakasakit sa kanya di ba.. "
"Hindi mo ako naiintindihan..."
Nagkibit-balikat lang ito... She held his hands...
"Boks.. Huwag muna tayong maglalalabas.. Kung may free time tayo, we'll spend it with them.. Ayokong masira ang relasyon niyo dahil wala kang oras sa kanya."
"E bakit si Mark.. Wala din naman siyang oras sayo a."
"Harry!!! Kung wala man siyang oras para sa akin, yun ay dahil napupunta sa SSG, at para din yun sa school natin.. At tsaka naiintindihan ko siya.. Kapag may free time siya, lagi akong wala kasi tayo ang magkasama.."
"Okay.. Mauuna na ako..." pagkasabi nun, naglakad na ito.
"Harry!!" tawag niya pero di siya nito pinansin...
Napailing nalang siya at umupo sa malapit na bench..
"Hey .. 'you okay?"
Tinignan niya kung sino ang nagsalita..
"Mark, ikaw pala... Upo ka.."
"Ayos ka lang? Parang nag-aaway kayo ni Harry kanina a."
"Ayos lang ako... At hindi kami nag-aaway.. May pinaunawa lang ako sa kanya.."
"Ano naman yun?"
"Haay naku .. Huwag mo nang isipin yun.. Anyway, may free time ka? Tara labas tayo, treat ko."
"Meron pero.... Wala ba kayong lakad ni Harry?"
Na-guilty naman siya.
"Wala.."
"Sige.. Saan mo ba gusto?"
"Hmmm.. Sa ice cream house nalang? Ang init kasi e."
"Manlilibre na ngalang, sa ice cream house pa." biro nito
"Ang arte mo ha.."
"Libre mo ako sa starbucks.. Hahaha"
"Wow Mark ha.. Bubutasin mo talaga bulsa ko? Hahaha."
"Minsan ka lang manlibre no. Susulitin ko na. Tara na." yaya nito at inakbayan siya
Nang makarating sila dun, nag-order agad ito.
"Hindi ka rin atat no?" biro niya
:-P
"Hahaha.. Para kang bata.."
"Bata pa ako uy. Anong akala mo sakin.. Baka ikaw matanda na.. Lola Alliyah.. Hahaha"
"Lola ka diyan.."
"Sir 450 pesos po.."
O.O
"Seryoso ka Mark? Anong in-order mo? Ubos ang allowance ko this week."
"Hahaha."
"Tatawa-tawa ka diyan... Kainis ka ha...." kinuha niya ang wallet sa bag niya
"Magkano ulit ate?"
"450 pesos ma'am.."
Binuksan niya ang wallet niya para kumuha ng pambayad.
"Huwag na.. Ako na.."
"Hindi . Sinabi ko na treat ko di ba.."
"Sa tingin mo ba papayag ako.."
"Kahit na ayaw mo ako pa rin ang magbabayad.."
"Si Carly o." turo nito sa pintuan. Lumingon naman siya
"Change 50 pesos. Thank you sir, ma'am. Enjoy. Come again." sabi nung kahera
-_-
"Kainis ka talaga Mark.. Wala naman si Carly a."
"Hahaha. Sinabi ko lang yun para ma-distract ka no. Halika na." sabi nito at inakbayan ulit siya.
Kahit na kokonti lang yung oras nila magkasama, nag-enjoy siya ng husto. Na-miss niya ng sobra si Mark.
"Alam ko gwapo ako pero huwag mo naman akong titigin masyado. Baka matunaw ako, mabawasan pa ang gwapo sa mundo." biro nito
"Huuuu... Ang hangin.. Pwede hinay-hinay lang Mark? Baka kasi matumba lahat ng puno sa kahanginan mo. Hahaha."
"I'm just stating a fact, Alliyah. AND you're in an air-conditioned place, remeber?" sabi nito at kinindatan siya.
"Engliiiish... Nosebleeeed.. Paki-spell... Hahaha."
Piningot nito ang ilong niya..
"Aishh.. Ansaket nun a.."
"Para magising ka sa katotohanan."
"Na ano, na gwapo ka? Ahahay, gising na gising ako mister."
"Hahaha.. Ubusin mo na nga lang yan." sabi nito at ginulo-gulo yung buhok niya.