[HARRY's POV]
Nanunuod kami ni Alliyah ng korean drama. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko..
"Harry..."
"Hmmm?"
"Ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay niyo ni Carly?"
"Chismosa ka masyado boks."
"Mag-boks tayo at karapatan kong malaman kung bakit."
"Someday..."
"Someday ka dyan.. Masaya naman kayo di ba.. Mahal niyo naman ang isa't isa.. So, bakit kayo naghiwalay?"
"Kahit sabihin nating mahal natin yung isang tao at siya lang habang buhay, minsan, dumarating yung punto na bigla mo nalang mararamdaman na may mas mahal ka . At sa kagustuhan mong maging maligaya kayo pareho sa piling ng mga tunay niyong mahal, you both need to let go..... 'Cause, love is really unpredictable.." paliwanag niya.
"Naging makata ka na boks.. Hahaha.. Pero di nga?? May third party?" pangungulit nito.
"Manuod ka na nga lang.. Daig mo pa ang bata kung makapagtanong.."
*pout*
"Tss...."
~~~~~~~~~~~~~
[MARK's POV]
Kasalukuyan akong nasa terrace ng kwarto ko ng lumabas si Carly sa terrace ng kwarto niya. Magkatapat lang kasi ang mga kwarto namin kaya kitang-kita ko siya, pero hindi niya ako napansin.
I miss her...
Miss ko na yung bonding namin..
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Pagkaraan ng ilang ring, sinagot din niya.
"Hi" bati niya. Tumingin ito sa direksyon niya at nag-wave siya
<Hello..>
"Kumusta na?"
<Ayos lang.. Ikaw?>
"Missing you.."
(SILENCE......)
"Carly.. Galit ka pa ba sa akin?? Sorry na please?"
<May dahilan ba para magalit ako sayo?>
"Dahil sa mga sinabi ko sayo nung nakaraang linggo..."
(SILENCE......)
<Kalimutan nalang natin yun Mark..>
"Hindi.. Nagalit ka sa akin dahil doon.. Gusto kong humingi ng tawad..."
<Then, you're forgiven..>
"So, bati na tayo?" masayang tanong niya
<Ikaw... Pinapatawad mo na ba ako?>
"Ha??"
<Dahil sa mga salitang binitawan ko nung nakaraang linggo..>
"Well.. I deserved them though.."
<So, I'm forgiven..> konklusyon nito
"Yep... So bestfriends again?" tanong niya
<Hahaha.. Yep, bestfriend.... Again and forever.> sang-ayon naman ni Carly.
"Punta ako ngayon diyan"
<Oops.. Kakabati lang natin mangangapit-bahay ka agad? Tsaka gabi na..>
"Kung maka-gabi na. Para namang magbi-byahe pa ako para makapunta dyan.. Tsaka dati naman na akong nagpupunta dyan sa gabi di ba.." pagpupumilit niya
<Kahit na.. Punishment mo yan.. Hahaha.>
"Punishment??? Kala ko ba bati na tayo?? Tsaka, mahigit isang linggo akong nagtiis na di ka kausapin no.." reklamo niya
<E bakit kasi dimo ako kinausap?>
"E galit ka kasi sa akin e.. May hiya naman ako no.."
<Ikaw, mahihiya?? Hahaha.. Ngayon ko lang alam..>
"Tawa ka pa at mangangapit-bahay talaga ako.. Matutulog din ako dyan sa kwarto mo makita mo."
<Kung makakapasok ka.. Hahaha.>
"I can be resourceful bestfriend. Remember, boyscout ako.." hamon niya.
<I know right.. :-P >
Napangiti siya.. Kahit sa cellphone lang sila nagkakausap, masaya na siya..
Bati na kasi ulit sila..
It's so nice to have her back..
<Tulala ang peg??>
"Hindi naman.. May iniisip lang.."
<O dear.. Kausap mo na nga ako o.. Nakikita mo rin ako, iniisip mo pa rin ako?? Baka dina ako makatulog niyan..> biro nito..
"Payagan mo na kasi akong pumunta dyan para dina kita isipin." biro din niya
<Naku naku.. Bawal.. Pagagalitan ako ng mga magulang ko..> sabi nito na parang natataranta
"Hindi naman nila malalaman... Miss na kita ng sobra aking sinta.."
<Hahahahaha.. Baliw ka talaga Mark... >
"Hinawaan mo lang ako aking sinta.. Hahaha." sabi niya.
Nakakatuwang isipin....
Nagbibiruan sila ngayon na parang walang nangyari nung nakaraang linggo...
Hindi na niya uungkatin ang tungkol sa kanila ni Harry dahil alam na niya ang dahilan..
At sa nakikita niya, mas naging malapit sina Harry at Carly ngayong hiwalay na sila...
Sana, pagdating ng araw... Makaya ko ng sabihin....
Sana, pagdating ng araw na yun, hindi pa maging huli ang lahat....