heto ang mas magulo pang update ^^.
[HARRY's POV]
<Ayoko siyang saktan pero ayoko din siyang lokohin.. Hindi ko naman sinasadya pero bigla ko nalang naramdaman ito.> sabi ng kausap niya sa telepono
"Sino ba kasi ang tinutukoy mo?" tanong niya
<Sinubukan ko namang patayin yung nararamdaman ko sa taong yun dahil alam kong mali. Pero mapaglaro si cupido e. Anong gagawin ko?>
"Gawin mo kung ano ang sa tingin mong tama.."
<Pero masaya na sya sa taong mahal niya ngayon. Masaya na ulit sila. Hindi ako ganoon kasama para guluhin pa sila.>
"Love is a war.. Kung hindi mo siya ipaglalaban, then paano ka? Sapat na ba na makita mo siya sa piling ng iba na masaya, when in fact, maaaring mahalin ka rin niya at mas sasaya siya sayo."
<Pero.. Ayoko siyang saktan. Ayokong maging magulo ang lahat dahil sa akin>
"You still haven't change. But it's up to you. Take the risks, or manatili ka ulit sa safe zone mo."
<I don't know. Gulong-gulo na ako. I need to think..>
"Ikaw ang bahala. Basta tandaan mo. Lagi akong nandito."
{END OF CALL}
~~~~~~~
[BRIANNA's POV]
"Mama.. Pwedeng doon ako kina ate Carly matulog ngayon? Miss ko na kasi siya, matagal na kaming di nagba'bonding." paalama niya
"Kung ayos lang sa kanila. Pero huwag kang maglilikot doon ha?"
"Opo.. Thank you mama.. Alis na po ako. ^^."
"Oy oy.. Anong aalis? Saan ka pupunta?" pigil ng kuya Mark niya
"Kina ate Carly. Doon ako matutulog ngayon. :-P. "
"At bakit?"
"E sa gusto ko e. Pinayagan na nga ako ni mama, kokontra ka kuya!"
"May sinabi ba ako?? Halika na, hatid na kita.. May itatanong din ako sa kanya.."
"Suus.. Gusto lang makita e." bulong niya
"May sinasabi ka?"
"Wala kuya.. Halika na dali. Baka magbago pa isip ni Mama e." sabi niya at hinila na niya ito papunta sa kabilang bahay.
"Ate Carly..." tawag niya. Pagkaraan ng ilang sandali, lumabas naman si ate
O.o?
"Anong ginagawa niyong magkapatid dito?"
"Ako makikitulog. Si kuya, may ITATANONG daw.."
"Ano naman itatanong mo Mark?"
"Brianna, pasok sa loob." utos ni kuya
"Eeehhh????"
"Pasok.."
"Okay.." pumasok naman siya sa loob ng bahay nina ate Carly pero nagtago sa pinto para marinig ang pag-uusapan nila.
"Brianna.. Alam kong nandyan ka. Akyat." sabi ng kuya niya
"Aiish.. Oo na." sabi niya at umakyat na sa kwarto ni ate Carly matapos batiin ang mga magulang ni ate.
Maya-maya'y sumunod na rin si ate.
"Anong tinanong niya sayo ate?"
"Wala."
"Sabi na nga ba e."
O.o?
"Gusto ka lang niyang makita ate at idinahilan na may itatanong. Di ba?"
"Magtigil ka nga Brianna. Kung ano pinagsasabi mo."
"Ate.. Pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na nga e."
"^^. Ate, ni minsan ba.. Hindi mo naramdaman na mas higit pa sa kaibigan ang turing mo kay kuya?"
O.o?
"Anong klaseng tanong yan.. Pagkabata-bata mo pa, kung ano-ano tinatanong mo."
"Hindi mo naman ako sinagot e.. "
"Para na kaming magkapatid ni Mark kaya wag mong bibigyan ng ibang kahulugan ang samahan namin.."
"Hmp.. Nagtatanong lang e.. Pero ate alam mo, bagay na bagay kayo ni kuya.. Tapos sina Kuya Harry at ate Alliyah.. "
"Tigilan mo na nga yang mga pinagsasabi mo Brianna." sita ni ate Carly
"Okay.. Nagsasabi lang naman ng observation e.."
#####