Gaya ng promise ko.. magma-marathon UD ako.. ^^
So, eto na...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'
[CARLY's POV]
"Anak, dalian mo na dyan at nandito na ang sundo mo." tawag ng mommy nya.
"Opo. Nandyan na po." sagot naman niya. Bago siya lumabas ng kwarto at bumaba, tinignan niya muli ang sarili niya sa life size mirror. She smiled with satisfaction.
"Goodevening beautiful.." bati sa kanya ni Harry
>///////< Nag-blush siya.
"Tara na?" tanong niya at tumango naman ito
"Mauna na kami mommy, daddy." paalam niya
"Sige. Mag-ingat kayo." sabi naman ni daddy
[MARK's POV]
"Let's go?"
"Yeah sure. After you my love." sabi niya
Ngumiti lang si Alliyah. Tahimik lang sila sa daan papuntang eskwelahan. Pagdating nila sa eskwelahan, marami-rami na rin ang mga estudyante.
"Love okay lang ba kung maiwan muna kita dito sa table natin? May kailangan pa kasi akong asikasuhin bago magsimula yung program."
"Yeah sure love. Don't worry about me, ayos lang ako . Naiintindihan naman kita e."
"Thank you love. I'll be back." hinalikan niya ito sa noo bago umalis. Ayaw man niyang iwan ito, wala siyang choice. Kailangan niyang siguraduhin na ayos ang lahat bago magsimula ang program. Sana naman dumating na sina Carly at Harry para may kasama siya doon.
[ALLIYAH's POV]
Super busy naman ng love ko. Nakakapagpahinga pa kaya siya? Daig pa nito ang presidente ng Pilipinas. Sana naman mag-enjoy siya ngayong gabi..
Hindi nagtagal, dumating na din sina Carly at Harry.
"Miss beautiful, bakit mag-isa ka lang? Nasaan na naman si bestfriend?" tanong ni Carly.
Wow!! Ang ganda ni Carly.. Babaeng-babae siya ngayon.
"Nandun, may mga inaayos pa sila bago magsimula yung program." sagot naman niya. Tumango lang ito.
"Boks, ikaw ba hindi mo ginayuma itong si Carly? Sa ganda niyang ito, napa-ibig mo? Hahaha.." biro niya
"Hindi ko kailangan ng gayuma boks, e sa gwapo ko ba namang ito, hindi paba siya mapapa-ibig.. Hahaha. Bagay na bagay kami di ba?" tanong ni Harry sabay akbay kay Carly
>////////<
"Hahahahaha... Ang cute-cute mo Carly.. Namumula ka o.. Ayyiiiieeeehhh..." tukso niya
"Heh! Magtigil ka nga miss beautiful. Porket wala si bestfriend ako na naman pagtritripan mo..."
"Uy bestfriend.. Bat mo inaaway ang love ko.." singit naman ni Mark
"Buti naman bumalik ka na.. Kuuuuuu.. Kung hindi lang ako nakaayos ngayon, sasamain ka talaga sa akin.. Iniwan mo ba namang mag-isa itong si miss beautiful.." sermon naman ni Carly
"Tss.. Kahit naka-ayos babae ka, amazona ka pa rin.. Harry, rendahan monga
itong girlfriend mo na magtanda naman minsan. Hahaha.." pambabara naman ni Mark
"Haha.Huwag mo akong idamay diyan Mark, ayokong sa akin magalit ang sweety ko." sagot naman ni Harry
"Haaaaayyyy... Paano ka ba nakakatiis diyan.. Hahaha.." sabi nito... " Okay ka lang love? Sorry talaga ha. Di bale,malapit ng magsimula yung program." baling nito sa kanya
"Ayos lang ako.." sabi niya at ngumiti
[HARRY's POV]
Ilang minutoang nagdaan at nagsimula na rin ang program.
Speeches muna bago nagsayawan... Nung una, per year muna then naging dance for all na.
Speech ulit habang nagdi-dinner sila.Tapos sayawan ulit..
"Can I have this dance again, sweety?" tanong niya at tumango namansi Carly. Nagtungo na sila sa gitna at kalaunan, sumunod na rin sina Mark
"Pagod ka na ba? Ang tahimik mo na a." tanong niya kay Carly
"Hindi naman.. Hindi lang talaga ako sana sa mga ganito.. Bored ka na ba? Pwede mo namang isayaw ang ibang girls e. Ayos lang naman sa akin.." sabi niya
"Hindi a. Nagtataka lang ako kasi ang tahimik mo na. Baka kako pagod ka na.." sabi niya at niyakap ito. Gumanti naman ng yakap si Carly
"I love you Carly." bulong niya
"I love you too."
~~~~~~~~~~
"Ehhem.. Care to exchange partners?" si Mark
"Sige." sagot niya
Kaya ang mag-partner ngayon, sila ni Alliyah at sina Mark at Carly naman.
"Parang seryoso usapanniyo kanina .." sabi ni Alliyah
"Ha? hindi naman.Tinanong ko lang kung pagod na, bigla kasing tumahimik e.."
"Baka naman kasi pinagod mo .. Hahha.."
"Hoy ikaw Alliyah a. Ang dumi ng pag-iisip mo.. Iyan ba ang natututunan mo sa mga binabasa mo?"
"Ha? Bakit ? Wala naman akong sinasabing iba a.. Tsaka si Carly din naman nagbabasa di ba.."
"Nangatwiran ka pa."
:P
"Tignan mo sila o. Nag-aaway na naman yung dalawa.."
"Oo nga e.. Pag yang si Carly, badtrip pagkatapos ng Christmas Ball, sasamain sa akin yang boyfriend mo.." banta niya
"Uy, wala namang ganyanan boks. Alam mo namang ganyan yung dalawa e. Tsaka, bestfriends yung dalawa nu. Sanay na sila sa isa't isa. Hahaha"
"Seryoso ako boks.."
"Seryoso din ako boks.. :P.."
Ginulo niya ang buhok nito.
"Aiisshh... Naman e. Kita mong naka-ayos ako boks e.."
"Hahaha.. Halika na nga, umupo na tayo. Tapos na yung music." sabi niya at inalalayan ito pabalik sa mesa nila.