[CARLY's POV]
Ilang araw na ang nagdaan mula ng magkasagutan sila ni Mark pero hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagkakausap.
"Anak, nag-away ba kayo ni Mark? Nitong mga nakaraang araw, hindi ko na kayo nakikitang magkasama o magka-usap man lang." puna ng mommy niya
"May konting di pagkakaunawaan lang po. Sige po, papasok na po ako." paalam niya
"Hindi ka ba susunduin ngayon ni Harry?" tanong ng Daddy niya
"Hindi po. Si Alliyah po ang kasabay niya, yung bestfriend niya na girlfriend ni Mark." paliwanag niya
"A ganun ba. O e di sige. Mag-iingat ka."
"Opo daddy. Sige po mauna na po ako." paalam niya sa mga magulang niya.
Paglabas niya ng bakuran nila, sakto ding palabas sina Mark at Brianna.
"Good morning ate." bati ni Brianna
"Good morning din. Sige, mauna na ako." paalam niya
"Teka ate. Sabay-sabay na tayo nina kuya, iisa naman ang eskwelahan natin e."
Tumingin siya kay Mark. Nakatingin din ito sa kanya.
"Kayong bahala." sabi niya at nagsimula ng maglakad.
Tahimik lang silang naglalakad.
"E teka nga. Alam niyo, napapansin ko, lately, hindi kayo nag-uusap. Nag-away ba kayo , ate, kuya?" maya-maya'y tanong ni Brianna
Nagkatinginan lang sila ni Mark at hindi sumagot.
"Okay. Wala akong kausap." sabi ulit ni Brianna
Namayani ulit ang katahimikan.
"Haay naku. Bahala kayo dyan. Ako mauuna na ako dahil mapapanis ang laway ko sa inyong dalawa. Mag-usap kayo kung gusto niyo." sabi ni Brianna at dinalian na nga ang maglakad
"Uy Brianna, hintayin mo ako." tawag niya at akmang hahabulin ito ng hawakan ni Mark ang braso niya.
"Bakit di ka sinundo ni Harry ngayon?" tanong nito
"Pwede ba Mark. Kung uungkatin mo lang ulit ang mga pinagsasabi mo nung nakaraang araw, huwag mo muna akong kausapin." banta niya
"Dahil ba sila ni Alliyah ang magkasabay ngayon?"
"Kung nagseselos ka dahil yung dalawa ang magkasama, huwag ako ang istorbohin mo. Sana sinundo mo nalang siya para kayong tatlo ang magkakasabay pumasok."
"Paano ka?"
"Paano ako? Mark, hindi na ako bata. Kaya ko ang sarili ko. Mark... Hindi na kita maintindihan... Parang nagbago ka na... Hindi na ikaw yung Mark na bestfriend ko."
"Oo Carly.. Hindi na ako yung Mark na bestfriend mo lang. Marami ng nagbago. At sa takdang panahon, maiintindihan mo rin kung bakit ako nagkakaganito."
"Sana pagdating ng panahong sinasabi mo, hindi pa huli ang lahat." pagkasabi nun, nauna na siyang maglakad.
Pagdating niya sa gate ng eskwelahan nila, nakasalubong niya sina Harry at Alliyah
"Good morning Carly." masayang bati ni Alliyah
"Good morning din. Masaya yata kayo? Ano meron?"
"A wala naman.. Nagbabalik-tanaw lang kami.. " sagot naman ni Harry na hanggang ngayon hindi pa rin tinatanggal ang pagkakaakbay kay Alliyah
Parang nakaramdam siya ng selos.
NO!! Hindi ka nagseselos Carly. Diba nga sinabi mo pa kay Mark na hindi ka nagseselos.
"Carly okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Alliyah
"H-ha?? Oo. May iniisip lang ako.."
"Ano naman yun??"
"Wala.. Tara na, pasok na tayo." yaya niya
Sa buong maghapon, hindi sila masyadong nagkausap ni Harry dahil tuwing may free time ito, tinetext si Alliyah o kaya naman pinupuntahan ito.
"Baka magselos na sa inyo si Mark niyan." sabi niya
"Hindi naman siguro." sagot naman ni Harry.
Hindi na lang siya nagsalita..
Ilang araw..... Linggo ang nagdaan.. Laging si Alliyah.. Siya nga ang girlfriend pero hindi naman sila nagkakasama..
Sa loob ng classroom lang sila nagkakasama pero hindi naman sila nagkakausap.
Minsang magpasama siya kay Harry..
"Harry, samahan mo naman ako sa bookstore pagkatapos ng klase. May bibilhin lang ako para sa project."
"Ha? Niyaya ko kasi si Alliyah na lumabas pagkatapos ng klase. Wala daw kasi silang gagawin ni Mark kasi busy si Mark sa SSG.."
"A ganun ba. Sige, huwag nalang.. Enjoy kayo." sabi niya. Hindi na ito sumagot.
Dahil may 15 minutes pa bago magsimula ang klase, nagtungo siya sa CR..
Doon, hindi na niya napigilang umiyak.
"No. Wala lang iyon. Magkaibigan lang sila. Hindi ka nagseselos. Nagkakaganyan ka lang kasi hindi kayo ok ng bestfriend mo. Naiinggit ka lang kasi sila, masaya sila sa pagkakaibigan nila. Come on, huwag ka ngang umiyak na parang bata.." sabi niya sa sarili.
"Carly? Umiiyak ka ba?"
"A-Alliyah.. Ikaw pala.. Hindi.. Hindi.. Kanina ka pa diyan?"
"Hindi.. Kakarating ko lang. Sigurado ka? Namumula yang mga mata mo. Pinaiyak ka ba ni Harry?"
"Ha? Napuwing lang ako, huwag kang mag-alala."
"O baka naman may nakaaway ka? Parang nagsasalita ka kanina e. Tara, resbakan natin?"
"Hahaha. Nagmo-monologue lang ako.. Tsaka kung may kaaway man ako, di ako ang iiyak no. Amazona yata to."
"Hahaha.. Oo nga pala no.. Patingin nga yang mata mo."
"Huwag na. Okay na ito." tanggi niya
"Sabi mo e. Hahaha.. Ay siya nga pala.. Sumama ka sa amin mamaya.. Nagyaya si Harry, kain tayo sa labas.. Sayang nga at busy si Mark, tayong apat sana."
"Huwag na. May pupuntahan pa ako after class e. Enjoy nalang kayo." tanggi niya
Kung magiging ganito pa rin ang takbo ng mga pangyayari sa darating na mga araw...........
Itutuloy ko na ang plano ko...
Ayoko mang umabot doon.. Wala akong magagawa...