chapter 34

293 13 0
                                    

[ALLIYAH's POV]

"I heard..." sabi niya kay Carly habang nagmemeryenda sila.

"Ang bilis namang kumalat ang balita." biro nito

"Well.. Nagkataong bestfriend ko yung taong involve.."

"I know right.. Haha."

"E bakit ba kayo naghiwalay?"

"May pagka-chismosa ka rin no.. "

"Well.. You can't blame me.. Hahaha. So, bakit nga?"

"Well.. Na-realize lang namin na hindi kami para sa isa't-isa.."

"Yun lang??"

"Ay hindi?? Kasi yung lovestory namin, mala-Romeo and Juliet . Nalaman namin, magkaaway pala yung mga angkan namin." pamimilosopo ni Carly

*batok*

"Array!!! Natuto ka na ha." reklamo nito

"Huwag mo akong pinagloloko ha.." banta niya

"Hahaha.. Kung ako, amazona.. Ikaw naman, tigre.. Hahaha."

"Tawa pa ng mabilaukan ka."

"Badtrip much miss beautiful??"

"Hi girls.." bati ni Harry

"Hi.." bati din nila

Umupo ito sa tabi ni Carly at inakbayan ito.

"Kumusta na?"

"Eto, gumaganda pa rin." sagot ni Carly

"Huwag ka ng sumagot boks.. Alam ko tumataba ka.. Hahaha." sabi naman ni Harry

-_-

Tumawa lang si Carly.

"Pag-untugin ko kayong dalawa, makita niyo." banta niya

"O-oh.. B.I ka Carly.. Hinawaan mo ang aking boks sa pagka-amazona mo.."

"Hoy hindi a.. Sadyang may itinatagong tigre lang yang si miss beautiful.." depensa naman ni Carly

"Patay tayo dyan kung ganun.. O siya, bibili muna ako ng meryenda ko bestfrenny.. Gutom na ako e. Hahaha"

"Teka teka teka.." awat niya

"O bakit? Huwag mong sabihing gutom ka pa? Haha."

"Che!!...... Kayo ba talagang naghiwalay o palabas niyo lang yan.."

Nagkatinginan ang dalawa at ngumiti.

"Sabi na nga ba e.." kumpyansang sabi niya

Tumawa lang sila pareho..

"Huwag niyo akong pagtawanan.. May pa-bestfrenny-bestfrenny pa kayo.."

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin.. Ako'y naguguton na kaya bibili muna ako ng meryenda..."

"Bestfrenny... Pabili ng grahamm.. ^.^ "

"Aye aye bestfrenny.." sagot naman ni Harry.

Maya-maya'y dumating na din si Mark.

"Hi.. Tapos na kayong mag-meryenda?" tanong nito

"Oo. Pero itong si Carly, magte-take two pa.. Haha.. Nagpabili pa siya kay Harry ng grahamm e."

"Nandito siya?"

"Wala, nandun siya o. Bumibili ng pagkain." pamimilosopo niya

Napangiti naman si Carly..

"Sabi ko nga.. Sige. Bibili lang din ako ng meryenda."paalam nito. Naglakad na ito papunta sa kinaroroonan ni Harry. Kahit malayo, alam kong nag-uusap sila.

"Sa tingin mo, magkakaayos na sila?" tanong niya kay Carly

"Siguro .."

"Sana nga.. Para happy ulit ang grupo.. Nakakailang din kasi yung magkakasama tayong apat tapos parang anumang oras, sasabog sila pareho."

"A e.. Nanunuod ka ba lately ng drama o action movies Alliyah? Ang lalim nun a.. Malulunod yata ako. Hahaha "

"Sira.. Hahaha"

Fallen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon