Sorry for the long update po.. anyway.. babawi ako ngayon.. :)
~~~~~''
[ALLIYAH's POV]
Nakatambay kami sa SM (Silong ng Mangga) habang hinihintay sina Carly at Harry.
"Ang tagal naman nung dalawa. Kanina pa tayo dito a." reklamo ni Mark
"Baka may ginagawa pa sila."
"Ano naman ang gagawin nila? Vacant nga ngayon di ba."
"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon Mark? Hindi ka naman ganyan dati a." puna niya. Tumahimik naman ito.
Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na sina Harry at Carly, magkaakbay at mukhang masaya.
"Saan ba kayo nanggaling? Bat ang tagal niyo?" tanong ni Mark
"Pasensya naman Mark. E eto kasing si Harry, ang kulit."
-_- <--- Mark
"O.o ?? Idol lang si Lady G, Mark? Hahaha.." kantyaw ni Carly
-_-
Umupo si Harry at ganun din si Carly. Hanggang ngayon, magka-hawak kamay pa rin ang dalawa.
"Anong meron at masaya kayo ngayon pareho? At talagang hindi naghihiwalay yang mga kamay niyo ha? Hahaha." tukso niya
"Wala.. Hahaha..Masaya lang talaga kami. Bakit, masama ba?" sagot naman ni Harry
"Weh?? Sige na share niyo na.. Puhlease? ^_^"
"'Haha. Wala nga.. Porket ba masaya na, dapat i'explain o kaya may occasion? Di ba pwedeng masaya lang kami kasi magkasama kami??" si Harry
>//////< <~~ Carly
"Hahaha.. Namumula si Carly o..."
Binigyan siya ni Carly ng "shut up" look.
Bigla namang parang nag-iba ang mood ni Mark at nakisali na sa usapan.
"Kahit kailan talaga, kamatis ka Carly. Haha"
"Hindi ako kamatis a.. Sweety o, di ba hindi ako kamatis?" parang batang sumbong nito kay Harry
"Hindi ka talaga kamatis sweety, kasi....... You're my SWEETY PIE." pakantang sinabi ni Harry sa you're my sweety pie.
>/////<
"Hahahaha.. Hindi nga kamatis, you're HIS sweety pie naman daw." tukso niya
[CARLY's POV]
Naman.. Kailangang pagtulungan ako?? Waaaaaaah...
"Nga pala.. Mark, di ba may ibibigay ka kay Alliyah?" paglilihis niya sa usapan.
"A. Oo nga pala.. Love, eto o.. Chocolates for you." sabay abot sa chocolates
"Awww.. Thank you love.." sabi naman ni Alliyah at hinalikan sa pisngi si Mark.
"Tss.. May tataba na naman.." pasaring ni Harry
"Hindi a.. Nagwe'work-out na ako uy. Kaya kahit madami akong kainin, di na ako tataba.. :-P" sagot naman ni Alliyah
"Tss. Sige, bili muna ako ng meryenda.." sabi ni Harry
"Samahan na kita." alok niya
"Huwag na." sagot nito at padabog na umalis.
Anyare dun? Okay lang kanina tapos biglang ganun? Itong isa kanina ang may sumpong tas ngayon si Harry naman? Haays.
"Problema nun?" tanong ni Alliyah
"Ewan ko nga e."
Pagkaraan ng ilang minuto, bumalik na din si Harry.
Hindi na ganun ka-sigla kanina ang grupo..
"A, teka lang.. CR lang ako.." paalam ni Alliyah
"Samahan na kita.." alok niya
"Sus.. Huwag na. Suyuin mo nalang yung isa diyan. Hahaha." tanggi naman nito.
Umiling nalang siya.
"Problema mo?" pabulong na tanong niya
"Wala. Bigla lang akong nagutom." sagot naman ni Harry
"Sigurado ka?"
Tumango naman ito.
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat nito at inakbayan naman siya nito.
"Huwag kayong PDA.." sabi naman ni Mark at biglang tumayo at umalis.
~~~~