chapter 29

294 15 0
                                    

[HARRY's POV]

Habang nagsusulat ako, biglang may isang pares ng mga kamay ang tumakip sa mga mata ko.

"Alliyah." sabi kong naka-ngiti. Tinanggal nito ang mga kamay at umupo sa tabi ko.

Ngunit hindi si Alliyah ang umupo kundi si Carly.

"Carly ikaw pala. Sorry, diko alam. Hindi mo naman kasi ginagawa yun dati sa akin. Si Alliyah lang naman ang mahilig kasi sa ganyan." paliwanag niya.

"Ayos lang." sagot naman ni Carly na nakangiti.

Bigla naman akong na-guilty. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya."

"Ano ka ba. Ayos lang. Sige na, tapusin mo na yang ginagawa mo. Malapit ng mag-time. Hihintayin na lang kita at sabay na tayo papuntang room"

"Huwag na, baka matagalan pa ako dito e. Mauna ka na."

~~~~~~~

[ALLIYAH's POV]

"May problema ba Mark? Kanina ka pa tahimik a."

"Wala. May iniisip lang ako."

"Ano naman yun? Pwede malaman?"

"Carly, saan ka galing?" tanong nito

Huh?? Iniisip niya kung saan galing si Carly??

"Sa library. Nadaanan ko kasi si Harry doon na nagsusulat." sagot naman ng tao sa likod ko.

Humarap siya at nakita nga niya si Carly.

"O Carly. Nandyan ka pala."

"Hindi. Wala ako dito miss beautiful. Kaluluwa ko lang ito, dinadalaw kayo. Hahaha."

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" sita ni Mark

O.o ????

"Ano ulit yung sabi mo kanina, nagsusulat si Harry? May assignment pala kayo. Sabi niya sa akin kagabi, wala daw kaya nagpatulong ako kagabi. Hindi pa tuloy siya nakagawa ng assignment niya." sabi naman niya.

"Baka gusto ka lang niyang tulungan kaya isinakripisyo niya yung assignment niya." si Carly.

"Kung siya lang din pag-uusapan niyo, mauuna na ako." sabi ni Mark at nagsimula ng maglakad.

"Parang may problema talaga yung dalawa e. Ayaw lang nilang sabihin sa atin." sabi ni Carly

"Oo nga e. Pero gagawa tayo ng paraan para magkabati sila." sabi naman niya

[MARK's POV]

Kabadtrip!!!!

Bakit ba si Harry pinag-uusapan nila!!

Ito namang si Carly. Nagpapakatanga.. Harap-harapan na ngang pinagtatabuyan ng Harry na yun, pinagpipilitan pa ang sarili.!!!!

Lalake din ako at alam ko ang mga kinikilos ni Harry. Hindi man niya sinasabi pero nababasa ko sa mga kilos niya.

Ano bang meron sa lalakeng yun at di maiwan-iwan. -_-

Hindi ko alam ang magagawa ko sayo Harry pag nakita kong pina-iyak mo ang Carly ko..

~~~~

Fallen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon