[CARLY's POV]
Yaayyy... Klase na naman.. Haaayyys.. Nakakatamad pumasok e..
"Carllyyy... Dalian mo na dyan.. Male-late na tayo.." sigaw ni Mark. Nag-volunteer kasi ito na sasabay ito pagpasok
"Oo na.. Nandyan na.." sigaw naman niya. Dali-dali na siyang bumaba.
"Kahit kailan talaga pagong ka kung kumilos... Dalian mo na nga.." sabi ni Mark at nagmamadaling lumabas ng bahay
"Sandali lang naman bestfriend.. Hintayin mo naman ako.." habol niya
Lakad-takbo ang ginawa niya para mahabol ito.. Sa wakas at nakarating na din sila sa eskwelahan.. Sakto namang nakasalubong nila sina Harry at Alliyah
"Miss beautiful... ^_^.." bati niya
"Carly... kumusta na?" masayang tanong nito
"Ayos naman.. Hahaha.. Ikaw?"
"Eto ayos din naman... "
"Ehhhhemmm.." sabay na papansin ni Mark at Harry
"Hahahaha.." tumawa lang sila ni Alliyah
"Ako, hindi mo ba ako kakamustahin sweety?" tanong ni Harry
^_^
"Kumusta ka na sweety?" tanong naman niya
"Ayos lang naman... Miss kita ng sobra.." sabi nito at inakbayan siya
"Haha.. Na-miss din kita... Kumusta naman ang new year niyo" tanong niya
<.< - - > Harry
>.> - -> Alliyah
O.o ?
"Bakit, may hindi ba magandang nangyari noon? Hindi ba happy ang new year niyo?" tanong niya sa dalawa
"H-ha??? Ay-ayos naman... Masaya.." sabi ni Harry
"Talo nga kami sa lahat ng games noon e.." sabi naman ni Alliyah
"Hahaha.. Kaya ba hindi maganda ang new year niyo?"
"Ehheemm.. Ano ako dito hangin?" singit naman ni Mark
"Ayyyiieehh.. Ang love ko nagseselos .. Hahaha.. Wawa ka naman, hindi kasali sa usapan.." lambing naman ni Alliyah
"Hindi ako nagseselos no.." depensa nito tapos tumingin sa kanya
"Carly, tara na.. Makaka-istorbo tayo e.. Maglalambingan yata sila e.. Haha,.." yaya ni Harry. Pero parang pilit lang ang pagtawa nito..
"Hoy. Wag mo ngang kaladkarin palayo si bestfriend.. Tsaka, wag kami ang idahilan mo. Ang sabihin mo, gusto mo lang siyang masolo no.." sabi naman ni Mark na parang nag-iba ng timpla.
Teka... Anong nangyayari?? Biglang uminit mga ulo ng dalawang to... O.o ?
"Ooops.. Easy guys... Bat ba biglang uminit mga ulo niyo? Ang aga-aga e.." tanong ni Alliyah
>.>
<.<
"WALA.." sabay na sabi nina Mark at Harry
"Okay..." sabay taas ng dalawang kamay nito na parang sumusuko..
"Miss beautiful... Tara na nga.. Iwan na natin tong dalawang to.. May buwanang-dalaw yata sila pareho e.." sabi naman niya.. Hindi pa sila nakaka-isang hakbang ng bigla silang hilahin ng dalawang lalake,..
Siya, si Mark
Si Harry naman ay si Alliyah
O.O
O.O
Seriously???
"Ano bang problema niyong dalawa ha? Gusto niyo pag-untugin ko kayo? Kung ayaw niyo pumasok, pwes, wala na kaming paki-alam... Dahil kami ni Alliyah, gusto na naming pumasok dahil malapit ng mag-time.. Ayaw kong ma-late sa first school day of the year.." bulyaw niya sa dalawa
Para namang biglang bumalik sa katinuan ang dalawa at binitawan sila..
Pero nandun pa rin yung tinginan nila..
Parang....
Haaayy.. EWAN.. Diko maintindihan..
Bahala na silang mag-usap niyan..