chapter 26

378 16 0
                                    

~From other world~

{GENTLEMAN and MISS's POV}

Master: congratulations both of you.. Job well done.

Miss: Thank you maaster..

Master: You can now have you vacation.. Enjoy.

Gentleman and Miss: thank you sir.

~~~~~~~~

 [ALLIYAH's POV]

Parang may mali,....

May hindi ba pagkakaunawaan ang dalawang ito? Mula ng pasukan, hindi sila masyadong nagkikibuan..

Ngayon, magkakasama kaming apat na nagmemeryenda, iniiwasan nila ang isa't isa.. Pag nagtatama naman ang mga mata nila, parang... GALIT sila sa isa't isa..

"Hoy Harry, Mark.. Anong problema niyo? Nagkasamaan ba kayo ng loob bago magbakasyon noon? Bagong taon na uy.. Kalimutan niyo na yun.." sabi ko sa kanila

"Wala.. Huwag mo  nalang kaming intindihin boks.." sagot ni Harry

O.o

"Meron yan e. Sige na, sabihin niyo na.." singit naman ni Carly

"Wala nga.. Bakit ba ang kulit niyo?" naiinis naman na sabi ni Mark

"Nagtatanong lang naman kami love.. Kasi nga mula ng pasukan ngayong taon, ganyan na kayong dalawa.. Bilang mga girlfriend at bestfriend niyo, wala naman sigurong masama kung magtanong kami di ba.. Ayaw lang naming masira ang pagkakaibigan niyo." pag-e-explain ko

(SIGH)

"Sorry.." sabi ni Mark na parang gulong-gulo ang isip

"Bestfriend.. Ano ba kasing problema?" malumanay na tanong ni Carly kay Mark at hinawakan ito sa kamay

Parang natulala si Mark pero agad ding nakabawi.. Umiling lang siya..

"Sige na.. Mauuna na ako.. May gagawin pa kami sa SSG.." sabi ni Mark at umalis na ito

Wala na silang nagawa..

"Boks.. Please naman o.. Sabihin mo na... Hindi yung ganyan na sa tuwing nagkakasama tayong apat, may tensyon sa pagitan niyo ni Mark.." 

"Wala kaming problema ni Mark.. It's just that I'm je.................................. Nevermind.." 

"Meron yan e.. Hindi mo maituloy ang dapat sanang sasabihin mo..." sabi ni Carly na puno ng paghihinala

"Wala sweety.. A, banyo lang ako.. Hintayin nalang kita sa room.. I love you, lagi mong tatandaan yan.." sabi naman ni Harry at naglakad na palabas ng canteen

Parang naguguluhang tumingin sa kanya si Carly.. Binigyan siya nito ng "Anong nangyayari" look

"Hindi ko rin alam Carly,..." sabi niya

*zzZZZzzzzz*

 May nag-text sa kanya.. Ganoon din kay Carly..

Si Harry..

From: Boks

 sbay tau iwu maya boks. hntyin nlang kita sa lbas ng rum niu. :)

O.o

Tumingin siya kay Carly

"Nagtext si Mark.. Sabi niya sabay daw kaming uuwi..." sabi nito

"Nagtext din si Harry.. Sabay din daw kami uuwi.." 

"Sana naman magkaayos na yung dalawa.." -Carly

"Sana nga.."

~~~~~~~~~~~~~

Fallen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon