[HARRY's POV]
"Hi Carly."bati niya
"Hello." bati din nito na hindi nag-aangat ng tingin mula sa pagsusulat.
"Busy ka?"
"Medyo."
"Ano yang sinusulat mo?"
"Notes sa physics."
Di kasi ito nakapagsulat kanina dahil ito ang nagsulat sa board.
"Ako na. Baka pagod ka na e." alok niya
"Kaya ko."
Hindi nalang siya nagpumilit. Para kasing bad mood e.
"Labas tayo mamaya." alok niya
"Baka may lakad kayo."
"Nino?? Wala. Kaya nga niyayaya kita e."
"May pupuntahan ako."
"Ummm.. Samahan nalang kita.."
"Hindi ko kailangan ng kasama."
"E di ihahatid nalang kita pauwi mamaya." sabi niya
"Kaya kong umuwing mag-isa.." wala pa ring emosyong sagot nito
"Carly.. Galit ka ba sa akin?"
"Bakit naman ako magagalit sayo?" patanong na sagot nito habang patuloy pa rin ang pagsusulat
"Hindi ko alam.. It's just that.... Ang tipid ng mga sagot mo. Parang napipilitan ka lang na kausapin ako."
"Walang dahilan para maging madaldal o makwento ako."
(SIGH)
"Sige. Maiwan na kita.. Tandaan mong nandito lang ako kapag handa ka ng makipag-usap sa akin." sabi niya at nagsimula ng maglakad pabalik sa upuan niya
"Harry.." tawag nito. Lumingon naman agad siya
"Mag-uusap tayo after class. Once and for all, let's settle things." pagkasabi nun, tinuloy ulit ang pagsusulat nito.
Hindi siya makapag-focus sa lesson nila...
Bumabagabag sa kanya ang sinabi ni Carly..
"Once and for all, let's settle things."
Anong ibig niyang sabihin??
*kriiiinnngg*
Tapos na ang klase.. Makakapag-usap na kami ni Carly..
Hinintay muna naming makalabas ang lahat ng classmates namin bago kami nag-usap.
"Carly, anong ibig mong sabihin sa let's settle things?"
(SIGH)
"Let's call it off Harry."
"Anong call it off? Nakikipag-break ka na sa akin? Bakit? May nagawa ba akong mali?"
Umiling ito
"Wala Harry. Wala kang ginawang mali. Hindi mali ang magmahal."
"Kung ganun, bakit ka nakikipaghiwalay?"