chapter 27

374 14 0
                                    

[CARLY's POV]

"Hoy Harry..." agaw niya sa pansin  nito

"O? Bakit? May sinasabi ka?"

"Kanina pa kita kinakausap, hindi mo ako pinapansin.. Sino ba iyang ka-text mo?" tanong niya

"A.. Sorry sweety.. Si Alliyah.. Ang cute kasi niyang asarin.. Hahaha.." 

"A.. Sige.. Magtext-text muna kayo.." sabi niya at iniwan ito..

Mga sampung minuto ang nakalipas ng sinundan siya ni Harry.

"Tapos na kayong mag-text?" tanong niya

"Haha.. Hindi na nag-reply e.. Nainis na siguro." 

"Bakit mo naman kasi ininis.. Resbakan ka ni Mark makita mo.. Haha.."

"Haha.. Sanay na yun sa akin.. Tsaka alam mo ba kapag naiinis siya sakin, kinikiliti ko siya tapos ayun maghahabulan na kami.. Hindi na siya inis sa akin.. Hahaha.."

"Mabuti naman kung ganoon.."

"Hay naku.. Ano kayang itsura niya ngayon? Siguro naka-busangot na naman.. Hahaha.. Napaka-epic ng mukha niya kapag naiinis e.. Hahaha.. Kapag kaharap ko lang siya, piningot ko na ang ilong niya.." sabi ni Harry na hindi nawawala ang ngiti..

Hindi nalang siya sumagot... Sa tagal na nilang magkakilala ni Harry, ngayon lang ito nagkwento tungkol sa pagkakaibigan nila ni Alliyah, sa mga ginagawa nila.. Nakakatuwa naman sila, parang kami rin ni bestfriend..

"Kung minsan nga, parang bata kung umasta yung si boks e.. Ang cute.. Haha.. Kapag tinutukso ko siya na mataba, kulang nalang umiyak.. Haha.." pagpapatuloy nito

*ZzzzzzzzzZZ*

"Hahaha.. Nainis na nga .. Tignan mo tong reply niya o.." sabi nito at ipinakita sa kanya ang cellphone nito

From : boks

 wag ka magppkita skin -_-

Ngumiti lang siya..

"Sige na, puntahan mo na.. Hindi ka rin naman niya matitiis e.." sabi niya

"Hahaha.. Yan talaga ang gagawin ko.. Hintayin mo nalang ako dito sweety ha, ihahatid kita pauwi." sabi nito at iniwan na siya

Dahil wala naman siyang ginagawa, nagbasa nalang siya ng novel.. Lumipas ang ilang oras at hindi pa rin bumabalik si Harry

*ZzzzZZZzz*

{Calling_sweEty}

"Hello."

(Sweety, nandyan ka pa ba? Sorry. Nakalimutan ko.. Nakapag-promise ako kay Alliyah na sasamahan ko siya ngayon sa library.. Okay lang ba kung pumunta ka nalang dito sa library tapos hintayin nalang natin na matapos sa boks tas ihahatid ka na namin pauwi?)

"A.... h-huwag na.. Ayos lang.. Sige.. Mauuna na akong umuwi.."

(Sigurado ka? Magpapaalam nalang ako kay Alliyah para ihatid ka tapos balikan ko nalang siya mamaya dito..)

"Huwag na.. Ayos lang. Bye." hindi na niya hinintay ang sagot nito.. Pinatay na niya agad ang tawag.

Alas singko na pala.. Uuwi nalang akong mag-isa..

Inayos na niya ang mga gamit niya at naglakad na.. Nang makarating siya sa gate...

"Carly..." sigaw ng isang lalake..

Si Mark..

Lumingon naman siya..

"O bakit?"

"Anong bakit ka dyan.. Bakit mag-isa ka? Asan si Harry?"

"Kasi hindi ako dalawa... Tsaka, bakit mo siya hinahanap e kapag magkasama kayo, kulang na lang magsuntukan kayo.."

"Asan nga sabi siya.."

"Sungit.. Nasa library, sinamahan si Alliyah.."

"Tss.. Inuuna pa ang iba kesa sa girlfriend.."

"Hoy.. Kung makapagsalita ka.. E dapat nga ikaw ang sumama dun kay Alliyah di ba.. Tsaka, hindi naman iba si Alliyah a.. Magkababata sila uy.. Kuuu.. Iuntog kita sa pader ng matauhan ka.. O kaya naman buhusan ng pagkalamig-lamig na tubig ng lumamig naman yang ulo mo.." sermon niya

"Daming satsat.. Halika na nga, sabay na tayong umuwi.." pagkasabi nun, inakbayan siya nito at naglakad na sila palabas ng gate..

"Bestfriend... Gusto ko ng ice cream.." sabi niya ng may madaanan silang nagtitinda ng ice cream

"Kahit kailan talaga, matakaw ka.. Mabubutas na naman ang bulsa ko nito.. Dapat kasi yung boyfriend mo ang maghahatid sayo.. Tss.."

"Huwag nalang kung puro sermon din lang ang sasabihin mo.. Tsaka hindi naman ako nagpapalibre sayo a.. Ang sabi ko, gusto ko ng ice cream. -_- ." sabi niya at tinanggal ang pagkakaakbay nito... Nauna na siyang naglakad

"Carly.. Sandali nga.. Huwag ka ngang mag-asal bata diyan.." habol nito

"Hindi ako nag-aasal bata.." sabi niya at binilisan pa ang paglakad. Humabol naman si Mark

"Okay, sorry na kung na-offend ka sa sinabi ko.. Naiinis lang ako kasi imbes na ikaw na girlfriend niya ang atupagin, mas inuna pa niya si Alliyah, e kung tutuusin, pwede namang ako ang sumama kay Alliyah.. Sorry na.. Daan nalang tayo sa ice cream house.. Malayo na si manong nagtitinda ng ice cream e.." paliwanag ni Mark ng maabutan siya nito

"Hindi na.. Gusto ko ng umuwi.. Baka gabihin pa tayo kapag dumaan pa tayo sa ice cream house.."

"Walang uuwi hanggat hindi mo ako pinapatawad.." 

"Bahala ka diyan.. basta ako uuwi na.." sabi niya at nagsimulang maglakad..

Hindi pa siya nakakalayo ng hinila ni Mark ang kamay niya kaya napabalik siya at niyakap siya nito ng mahigpit..

"Sorry na.." bulong nito

"Bitawan mo ako.. Nasa daan tayo Mark.. Baka kung ano pa ang isipin ng mga makakakita sa atin.."

"Sorry.." sabi nito pero hindi pa rin siya pinapakawalan

"-_- .. Okay fine.. Apology accepted.. So pwede ba, bitawan mo na ako dahil gusto ko ng umuwi.."

"Okay.." mahinang sabi ni Mark at kumalas ng pagkakayakap.. Hinawakan nito ang kamay niya at tahimik lang silang naglakad pauwi..

Fallen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon