chapter 38

301 16 0
                                    

Hi .. just want yah to know na tatapusin ko na ngayong araw itong story.. wala na kasi akong idea e. haha. charot..

Seriously, kailangan na kasi talaga. Magiging busy na kasi ako sa mga susunod na araw, may tatlo pa akong ibang on-going. Gusto ko na ring tapusin ang mga yun pero bago ko magawa yung iba, tatapusin ko muna ito. ^^.

At hindi kasi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin sa bawat segundong magdaan. Ayoko namang may hindi ako natapos kung saka-sakali..

So, eto na.. Pagpasensyahan niyo na dahil MAGULO na nga, BITIN??? pa.. haha.

~~~~~

[ALLIYAH's POV]

"Mark, asan ka?" tanong niya sa kabilang linya

<Dito lang sa bahay. Bakit?>

"Busy ka ba?"

<Hindi naman..>

"Kita tayo sa dati. I need to tell you something."

<Sige.>

{END OF CALL}

(Sigh) This is it.. Diko na patatagalin pa..

~~~~**~~~**

Mas nauna siyang dumating sa tagpuan nila.. Mga ilang minuto ang magdaan, dumating na din si Mark. Lumapit naman agad ito sa kanya nang makita siya.

"Hi. Kanina ka pa?" tanong nito

"Hindi naman.. Kararating ko lang din." sabi niya

"Mag-order muna tayo ng kakainin natin bago mo sabihin kung ano man ang gusto mong sabihin. Parang namumutla ka e." sabi ni Mark

"Huwag na. Baka pag tumagal pa, mawalan ako ng lakas para sabihin sayo." sabi niya

O.o ?

"Bakit? May masama bang nangyari?" tanong nito

"Wala.. It's just that........... Mark.. I'm so sorry." sabi niya ng nakayuko ang ulo. Hindi niya kayang tignan ito

"Ha? Bakit ka nagso-sorry?" takang tanong nito

"Uwwaah. Mark.. Hindi ko naman sinasadya e.. Sinubukan ko namang iwasan, pero di mawala-wala e.. Sorry talaga.." naiiyak na sabi

"Hey.. Wag kang umiyak.. Baka sabihin nung mga nasa paligid, pinapaiyak kita.. Tsaka bakit ka nagso-sorry? Hindi kita maintindihan? Anong iniwasan mo?"

"Waaaah.. Magalit ka nga.." sabi niya rito

"Hala.. Bakit ako magagalit ng walang dahilan."

"Naman e.. May dahilan para magalit ka.." pagpupumilit niya

"Alliyah.." masuyong sabi ni Mark at hinawakan ang mga kamay niya

"Relax, okay? Sige, sabihin mo na kung ano man yun. Kahit sabihin mong buntis ka, hindi ako magagalit. Gusto ko lang na manggaling mismo sayo."

*batok*

"Array. Bat ka nambabatok?"

"Tange ka kasi.. Pinagsasabi mong buntis? -.-"

"Hahaha.. Dami pa kasing paligoy-ligoy e."

"I'm......"

O.o ?

"I... I'm in love with ...... Harry.. Uwaaah.. I'm so sorry Mark.. Iniwasan ko naman e.. Pero sutil tong puso ko e.. Sorry talaga. Diko naman sinasadya e."

Tumahimik lang si Mark

"Uy.. Magsalita ka naman o.."

Ilang minuto pang katahimikan.

"Uwaaaaaah..... Mark naman e...."

"Anong gusto mong mangyari ngayon?" malumanay na tanong ni Mark

"Uwaaah.. Magalit ka nga.. "sabi niya dito

"I won't.. Naiintindihan naman kita e."

"Bakit ka ganyan?"

"Na ano? Gwapo?? Lahi namin e"

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Mark Bryantt Williams."

"So am I Alliyah.. Kakasabi mo lang na mahal mo si Harry, so what do you expect na magiging reaction ko? Kung magagalit ba ako gaya ng gusto mong mangyari, mawawala yang nararamdaman mo kay Harry? Hindi di ba? That's why I am asking you kung ano ang gusto mong mangyari sa relasyon natin.." malumanay na sabi ni Mark

"I... I don't know.. But I know na hindi na tama kung ipagpapatuloy pa natin ang relasyon natin.. Ayokong isipin mo na ginagamit kita para pagtakpan ang nararamdaman ko kay Harry."

"Okay, if that's what you want, I understand.. Just remember, nandito lang ako bilang kaibigan mo."

"Thank you.. Napakabait mo Mark.. You deserve someone better. And again, I'm sorry."

"Enough for the sorry, love.. Ayos lang ako. No worries. So, do you want to eat now?" tanong nito

"Sige. Ikaw na bahalang umorder."

"That's my girl." sabi nitong nakangiti.

Pagkatapos nilang kumain, namasyal muna sila bago nagpasyang umuwi.

"Thank you for everything Mark."

"You're very much welcome, ex girlfriend. Hahaha."

"Che. Baliw."

"Gwapo naman... Hahaha.. Sige alis na ako.. Tsaka, wag ka ng magpatumpit-tumpik pa. Sabihin mo na kay Harry. Sige ka baka maunahan ka."

"Baliw.. Hindi porket nakipaghiwalay na ako sayo at mahal ko siya, hindi naman ako ang unang gagawa ng hakbang no."

"Sabi mo e." sabi nito at naglakad na.

"Mark" tawag niya

"Yes ex-girlfriend?"

"Sana huwag mong sabihin kahit kanino na may gusto ako kay Harry, lalong-lalo na sa kanya. Please?"

"No problem.. Geh, uwi na ako."

"Ingat."

~~~~~

Ilang araw at linggo ang nagdaan. Hindi nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin ni Mark.

Buo pa rin ang grupo naming apat.. At laking pasasalamat ko na hanggang ngayon, wala pa ring pinagsasabihan si Mark.

February 13 na.. Bukas na ang JS Prom.. Haaay.. Ilang linggo nalang, graduate na kami sa High School.

#####

Fallen (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon