Chapter 65- TAM

432 20 13
                                    

Napagkasunduan namin na kung sino nalang ang willing ang siyang magiging representative ng kissing booth, at dahil din pinagbantaan sila ni Bryan na kapag ginawa akong front ay suspended silang lahat kaya no choice sila kundi pa-upuin nalang ako dito sa isang sulok malapit sa booth.

Overprotective boyfriend. Hayyyy.

"Bakit ba kasi hindi pwede na si Cecille ang halikan?" tanong ng isang lalaking college student, sabay lang naman kasi ang foundation week namin kaya naman nagkalat din ang mga college students ng iba't ibang department.

I tried my best not to scowl. Ilang beses na akong paulit-ulit na kung sino nga lang ang representative ay sya lang pwedeng halikan. Si Elizabeth at Luigi lang ang willing. "Kasi nga po sila po ang representative. Meaning po, yung iba na wala sa mismong booth ay hindi available."

Alam kong nabwisit yung lalaki kaya nagwalk out. Nakakastress naman kasi 'tong booth namin. Buti nalang medyo kaunti lang ang nagrereklamo, sa tingin ko ay dahil andito ako at alam nila kung ano ang kayang gawin ni Bryan.

Napangiti na naman ako. Kahit na sobrang possessive at overprotective nya ay hinding-hindi ako magsasawang mahalin siya.

Nahagip ko agad ang isang lalaking naka-casual white shirt at maong pants. Kahit simple lang ang suot ay talaga namang nagstand out sya sa karamihan.. At yun ang dahilan kung bakit nagha-hyperventilate na 'tong katabi ko sa upuan.

"Steffanya. Ano sa tingin mo? Satin kaya sya pupunta? Palitan ko muna kaya si Elizabeth! Sige na oh! Ibalato mo na sakin 'to!" sabi sakin ni Cecille habang sinisiko ako.

Nasa kabilang side ng booth si Ryzza at Jm kaya hindi nila nakikita ang paghihingalo ni Cecille sa tabi ko..

Bago pa ako makasagot ay nasa tapat na namin si Luke.. "Hi Steffie.. Hi Cecille!"

Aba't teka! Bakit may tamis sa pagbati niya kay Cecille?

"H---Hi!" Cecille greeted back while stuttering!!! What the heck is going on with these two? Teka akala ko ba Cecille and Alvin all the way?

I was about to interrogate the two of them when suddenly there's a gorgeous lady who approached us. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakipagkarera ang pagpintig ng puso ko. Bigla akong kinabahan sa aura nung babae... Sobrang ganda nya, parang papel yung kutis niya na halos matatakot kang hawakan. Mukha siyang anghel na may maninipis na labi. Nakangiti siya samin pero hindi ko magawang ibalik ang ngiti na yun dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Bakit? Anong meron sa kanya?

"Hi! I'm sorry I had to bother you, I'm just not familiar with this place.. But I'm sure you knew who I am looking for.. By the way, I'm Tamara Leviste." sobrang nakaka-mesmerize yung ganda niya. Naglahad siya ng kamay. Leviste? Sounds familiar.

Dahil hindi ko nagawang tanggapin ang kamay nya ay si Cecille ang gumawa nun. "Leviste? Are you somehow related to Mr. Hernan Leviste? The owner of Tamya Advertising Company?"

Mas lalong tumamis ang ngiti nito. "He's my dad."

Sa usapang business ay di hamak na mas maraming alam sakin si Cecille, kahit na highschool palang kami ay alam ko kung gaano na sya agad ka-hands on sa negosyo nila. Madalas na siya ang humaharap sa business partners ng pamilya nila kaya hindi na ako magtataka kung kakilala nito ang pamilya ng Leviste.

"Ah talaga?" dumilim ang mukha ni Cecille sa hindi ko malamang dahilan. "Sino nga pala yung hinahanap mo?"

Hindi ko alam kung malakas lang ba talaga ako maka-sense o naiisip ko lang na ganitong mga babae ang tipo ni Bryan. Yung mahinhin at parang hindi man lang pinagpapawisan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon