Chapter 31- Busted

1.2K 28 11
                                    

Hello! Kamusta mga labs? Aaminin ko po medyo nawawalan ako ng gana magupdate kasi naman wala na masyadong comments and votes :( Dati naiinis ako kapag nagpapavote yung mga author ng story na nababasa ko pero ngayong may sarili na akong story naiintindihan ko na yung nararamdaman nila :(

Ang next ud ko po ay kapag umabot na ng 100 votes. Wag po sana kayong magalit sakin. Maraming salamat po. :* Godbless mga Labs.

"My heart has been played, stabbed, cheated, burned, and broken, but somehow it shill works. I'm proud of my heart."

*********************************************************

Bryan’s POV

“LIAN!” sabi ng taong mukhang sushi.

Anong ginagawa ng koreanong hilaw na yan dito?! Hinawakan ko agad sa bewang si Steff. Mahirap na, baka maagaw pa. “Ptangina. Ano na namang ginagawa ng sushi na yan dito!?” pinagiinit nitong sushi na to ang ulo ko e.

 “Jake!! A-Anong problema?” tanong ni Steffie dito.

“Umuwi na tayo Lian!!” sigaw nito. Gago pala siya e! Anong karapatan nyang sigawan ang mahal ko!!!

*BOOGSHHH*

Pasensya ka! Hindi na ako makapagpigil e! Matagal ko ng gustong bangasan yang mukha mo!

 “FVCK OFF DUDE! Hindi ka pwedeng basta-basta lang susulpot at magpapakita kay Steff!” Ano siya sinuswerte? Ngayong okay na kami ni Steff, sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit pa sa mahal ko. Tss.

“Bry..” hawak sakin ni Steff sa braso, dun lang ako kumalma. Nung naramdaman kong andito pa siya.

“Steff, pinapasundo ka na ng parents mo. They wanted you to go home right now.” sabi ng sushi.

“KAYA KO SIYANG IHATID PAUWI!” sigaw ko. Nanggagalaiti ako talaga!

Anong akala niya? Siya lang ang may kayang sumundo gamit ang chopper?! Meron kami nyan! Lima pa nga! Kung gusto nya jet pa e! Peste. Nakakayabang talaga. -_-

Steffie turns to me and cupped my face.  “Bryiee, listen to me first..” yung mga mata ni Steff. Yun yung nakakapangpahina sakin, mga matang nagpapakalma sakin. Lord, bakit ba parang sobra ko ng mahal na mahal ang babaeng to? “I’m going home. Sasama muna ako kay Jake.”

Nagpanting talaga ang tenga ko sa huling sentence na sinabi nya. Ang pagkakaintindi ko ay mas pinipili niya si Jake kesa sakin. Sht talaga! Sht!!

“Fvck! Tngina! Please rephrase that sentence! Iba ang kahulugan para sakin!”

It really doesn’t matter to me kung pagtawanan man ako ng mga tao dito mamaya kasi mukha akong bading na halos magmakaawa kay Steff dahil lang sa nagseselos ako.

 “Okay okay. Sasama muna ako pauwi sa bahay. I know this is urgent. My parents don’t usually interfere sa mga lakad ko, at alam kong mahalaga ang mayroon ngayon kaya nila ako ipinapasundo.” mahinahon nyang paliwanag.

I run my hand through my head due to exasperation “But—“

“Don’t you trust me?” sabi niya na nakapagpatigil sakin.

“I trust you, it’s him I don’t trust!” sabay turo kay sushi. “Ayokong ipagkatiwala ka kahit kanino Steffie, hindi ako mapapalagay.”

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon