Prologue

5.1K 33 3
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

Copyright © Ainelabs

_________________________________________________

Marami ng taong umiyak dahil sa tinatawag nilang pagibig. Maraming tao na din ang nagmukhang tanga para lang sa mga taong mahal nila..

Bakit nga ba natin hinahayaan na magmahal ng isang tao na hindi naman sinusuklian ang pagmamahal natin? 

Bakit nga ba tayo naghihntay sa isang tao kahit wala naman tayong kasiguraduhan kung may dapat nga ba talaga tayong ipaghintay?

Bakit nga ba tayo nagtitiis masaktan kahit na alam naman nating may handang sumalo satin at ilayo tayo sa lahat ng sakit na pwede nating maramdaman?

Bakit nga ba?

Sa totoo lang kasi hindi ko talaga alam..

Hindi ko alam kung bakit nagawa kong mahalin siya sa loob ng 3 taon.. Tatlong taon na kahit ata ang pangalan ko ay hindi niya alam.. 

Na kahit tapunan ako ng isang tingin ay hindi niya magawa..

Kahit anong gawin kong paglimot sa kanya, hindi ko talaga kaya.. Hanggang sa napagod nalang ako at hinayaan ang sarili kong patuloy na mahalin siya..

Pagkalipas ng dalawang taon, simula nung nagconfess ako sa kanya at sinigawan niya ako.. Andito na naman ako.. Mukhang tanga na nanginginig ang tuhod na nakita siya..

Ang lalaking mahal ko.. ang lalaking tanging nakakapagpatibok ng ganito kabilis sa puso ko.. Malapit na siya sakin..

Kakayanin ko na kaya siyang maabot 

at

makukuha ko na ba ngayon ang kanyang puso?

Hope you guys like it.  ❤ ❤

Godbless. Labsyuu.

-Ainelabs  ❤

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon