Ewan ko ba. Parang pagtingin ko sa mukha nya, gumaan yung pakiramdam ko bigla.
“May powers ka ba?” tanong ko sa kanya. Don’t get me wrong, I like him pero yung feeling na pangkaibigan lang, pangkapatid ba.
“Huh? Bakit?” Takang tanong niya. For sure nawe-weirdohan na yan sakin.
“Wala lang. Bigla kasing gumaan yung pakiramdam ko gawa mo e.” Hays. Naalala ko nanaman si Bry. L Napaupo ako ulit sa duyan. “AHHHHHHHH!” takte! Nakalimutan kong masakit pala yung balakang ko. :’(
“Uyy! Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? “ Bigla naman siyang lumapit sakin na parang inaalalayan ako.
“Okay lang. Nakalimutan ko lang na masakit yung balakang ko.”
“Ano ba kasing nangyari sayo? Ganyan na ba ang epekto ko ngayon? Pati pagiging injured mo nakalimutan mo dahil sa kagwapuhan ko?” hindi ko malaman kung nagbibiro siya o seryoso. Ang seryoso kasi ng mukha niya e. Haha. Sasabihin ko ba sa kanya yung totoong dahilan? Hmm.
“Nalaglag kasi ako sa hagdan e. Tsaka wag ka ngang makapal. -_- Hindi ako naggwapuhan sayo. Mukha ka lang mabait kaya gumaan yung pakiramdam ko.” WOW. Galing ko magsinungaling noh? Hahaha. Gusto ko ngang sabihin sa kanya na TAKTE ANG GWAPO GWAPO GWAPO MO KAYA. -_-
“Hmm. Ang laki-laki mo na nalalaglag ka pa sa hagdan. Nakakahiya ka.” Sinabi ko bang mukha siyang mabait? Heyep to. Binabawi ko na yung sinabi ko.
“Sorry naman no! Naka’heels po kasi ako. Can’t you see?” tinaas taas ko pa yung paa ko para makita niya yung heels ko.
“ANO BA! Wag ka ngang magtaas ng paa! Nakikita ko yung panty mo na pink! Para kang di babae! Alam nang naka miniskirt tapos.. ..Sheesh!” Umiiwas pang tingin niya at namumula siya ng sobra!
“MWO?!” (Mwo= What?!)
O.O
Mahabaging poon. Kunin nyo na ako ngayon pleaaaseee. Medyo tanga talaga ako. </3 Nakalimutan kong nakaskirt lang pala ako at wala akong cycling sa loob dahil hindi pa ako nakakapunta sa cheerleader’s room. Panigurado pulang’pula na yung mukha ko ngayon. </3 GREAT! JUST GREAT!
“I… I… I didn’t kn… Shit!” I cussed. Asan na ba ang bitchy side ko ngayon at ayaw nyang lumabas? Hays. Nakakahiya!!!! “Mianhaeyo.” Mahinang sabi ko. Mukhang di niya din naman maiintindihan e. Atleast nakapagsorry ako sa kapabayaan ko. -____________________-
“Ani. It was my fault.” (Ani=No.)
“OMO! You can speak Korean too?” gulat na gulat kong tanong sa kanya. Aba minsan lang kaya ako makakilala ng taong nakakapagsalitang alien din. -___-
“Isn’t it obvious?” supladong tanong niya.
“Alam mo ang suplado mo. Kaasar!” Hays akala ko pa naman mabait siya at magkakaroon na ako ng bagong kaibigan. Bwisit lang.
“It’s because you said that I am not handsome.” Nakapout niyang sabi. WAAAAHH! Ang cute niya!
“When did I said that?!”
“Kanina sabi mo mukha lang ako mabait! Hmp!” Nakapout pa din siya at nagcrossed arms pa ha! Hahahaha.
“HAHAHAHAHA” hindi ko na napigilang tumawa. Tumingin naman siya sakin na paraang asar na asar na siya. “I’m sorry. Haha. Ang cute mo lang kasi talaga. Oo na, gwapo ka na. So friends na ba tayo?” Nakangiti kong sabi sa kanya. Sana oo. Sana pumayag siya. Hehe.
Yung mukha niyang kanina na nakaganito -_________- biglang nagging (^__________________^). Bipolar ata to e.
“Okay! Friends na tayo ha. Wala ng bawian.” Sabi niya sabay salampak niya sa duyan kaya naman nabigla ako kasi nadali niya yung balakang ko.
BINABASA MO ANG
Be Mine
Romance"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siya? Yung taong para sa akin talaga? Para kasing imposible na.." Kitang kita ko yung paghihirap sa mga mata niya.. Kung kaya ko lang pawiin...