PAKIBASA PO MUNA BAGO TUMULOY SA STORY.
PASENSYA NA PO KUNG HINDI AKO MABILIS MAG-UPDATE. AYOKO TALAGA NG MINAMADALI LAHAT, TULAD NITO. YES, NAP-PRESSURE PO TALAGA AKO KAPAG MAY NAGMMESSAGE AT MAY NAGSASABI SAKIN NA BILISAN KO MAGUPDATE.. KAYA MINSAN NAWAWALA YUNG STORY KO SA PLOT NA GUSTO KO TALAGA. MINSAN FEELING KO ANG SABAW. PAKIRAMDAM KO KULANG, MAY MALI AT HINDI MAGANDA. KAYA SANA PO MAINTINDIHAN NYO KUNG MINSAN NATATAGALAN ANG UPDATE. HINDI NAMAN PO BASTA BASTA NAKAKAPAGSULAT, SYEMPRE GUSTO KO NAMAN PINAGIISIPAN KO MUNA.. SANA MAINTINDIHAN NYO.
SALAMAT SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA. SA MGA NAGVVOTE AT NAGCCOMMENT. MARAMING SALAMAT PO TALAGA!
SABAW TO KAYA BAWI NALANG AKO NEXT TIME.
****
“Sa back gate ka mag-park! Dun ako dadaan. Baka may makakita satin eh.” dahil nga gusto kong batukan si Bryan.. at syempre gusto ko na syang makasama, pumayag akong makipagdate sa kanya.
Date?? Baka nga hindi date ang tawag dito. Sabi ko kasi hindi kami pwede lumabas ng kotse nya dahil baka may makakita samin. Baka mag-park lang kami kung saan.. ang hirap. Tss
“Bakit ba kasi kailangan pang magtago?! Bwisit!”
“Aba’t ano ba? Gusto mo bang makipagkita sakin o ano?!”
“Oo na! Oo na! Pasalamat ka mahal kita! Psh.”
Nag-init na naman ang pisngi ko. ASAR! Bakit ba hindi ako masanay sa pagsasabi nya ng mga ganyan. Kahit aburido ang boses nya ay isa pa ding musika ang mga katagang binibitawan nya para sakin.
Muehuehue. Pwede ko ng talunin si Jose Rizal sa pagiging makata nya. Anong say nyo?
Ewan ko ba kung bakit kami ganito. Madalas inis sa isa’t-isa. (=_=”)
Nakita ko ang kotse nya na naka-park sa di kalayuan. “Miss Chua, hindi po kayo pwede dito dumaan. Doon po sa kabilang gate ang daanan ng lahat ng estudyante.” harang sakin ng guard ng palabas na ako.
Whaatt!? No. Hindi pwede! Ayoko ng umikot no! Ang layo layo e.
“E kuya manong guard.” ang habang tawag. “Kailangan ko na kasi talagang lumabas dito, please naman po oh. May hinahabol po kasi ako.”
Maganda din ang mga patagong ganito, alam kong nasa may parking lot palagi naghihintay ang mga hidden bodyguards ko, at hindi nila pwede malaman na nagkikita kami ni Harris, kundi ay patay ako sa bahay.
Badshot pa nga ako e.
“Ma’am hindi po talaga, baka po matanggal ako sa trabaho kapag may nakaalam na pumayag po akong dumaan ang estudyante dito.”
Naawa naman ako kay kuya. Hayy. Matawagan na nga lang ang magaling na yun.
Lumayo ako sa guard ng kaunti habang hinihintay sagutin ni Bryan ang tawag. “Asan ka na ba? Bakit ang tagal mo? Sinong kasama mo? Wag ka lumapit sa ibang tao!”
Jusmiyo.. Tataas ang alta presyon ko sa lalaking ito. Napaka-control freak! Bossy at possessive!
“Chillax! Ang init na nga ng panahon sasabay ka pa! Andito na ako, kaso bawal daw lumabas dito ang estudyante e.”
“Sino nagsabi?”
“Si kuya manong Guard.”
“Wag ka sabing makipagusap sa ibang lalaki! Ano ba? Sabihin mo sakanya girlfriend kita at palabasin ka na ngayon din kundi mawawalan siya ng trabaho!”
I swear I want to strangle him right now sa sobrang inis ko. “Girlfriend?! Hoy lalaki! Wag ka ngang feeling!”
“Edi asawa kung ayaw mo ng girlfriend! Dun din naman ang punta nun!”
BINABASA MO ANG
Be Mine
Romance"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siya? Yung taong para sa akin talaga? Para kasing imposible na.." Kitang kita ko yung paghihirap sa mga mata niya.. Kung kaya ko lang pawiin...