Dedicated sa author na pinaiiyak, pinakikilig, at winiwindang ang buhay ko :D
(Pagpasensyahan po ang sabaw na update)
ALVIN’S POV
Naglalakad ako sa corridor ng marinig ko ang dalawang nakakarinding boses na nagsisigawan.
“Tigilan mo nga ako! Nakakainis ka sa umaga, tanghali at gabi! Alis! Bwisit napakababaero mo talaga!”
Napa-facepalm ako. Nanaman? Araw araw ganito ang nadadatnan ko sa dalawang ‘to ah.
“Baby naman.. Ano na namang nagawa ko? Binibigyan lang kita ng flowers e..” halos ma-imagine ko ang pagpout nya. Amputa. Bakit kaya ang gay ng mga kaibigan ko?
May narinig akong kalabog.. Notebook o libro na ibinato panigurado. Wag nyong isiping brutal, mild palang yan. Sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos ay wala ng bago sa bangayan nilang dalawa..
“Tumitingin lahat ng babae sayo! Babaero ka talaga! Aish! Sinisira mo ang araw ko!”
Napa-iling ako. Mga babae talaga ang hirap intindihin.. Titignan ka lang ng ibang babae, babaero na agad? Ay potek. Asan ang hustisya?
“Anong pakealam ko sa kanila?! E sayo lang naman ako nakatingin!” asdfhjkll! Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis..
Tsk tsk. Bryan Kiefer Harris.. who would’ve thought? Maiinlove din pala ang mokong..
“Goodmorning Fafa Alvin.. You look so gwapo today!” bati sakin ni Jm na katabi si Clarence at Cecille na ang aga-aga ay nakasimangot.
Ano na namang problema nito? Wala pa nga akong ginagawa parang ang laki na agad ng galit sakin.
I smiled. Nakipaghigh five ako kay Clarence.. Oo, close na kami. Sila din naman ni Bryan pero minsan nagpapatayan pa din sila. Asar talo kasi yung loko na yun, akala mo lahat ng lalaki aagawin si Steffie sa kanya... Tulad nalang nito,
Nasa isang mesa kaming lahat at kumakain. Katabi ko si Kevin sa kaliwa at si Clarence naman sa kanan.. nasa harap ko si Steff.
Habang naguusap-usap ng plano para sa foundation week at sa booth na gagawin namin ay napansin ko ang sauce sa malapit sa lips ni Steff, nagdalawang isip ako kung sasabihin ko o hindi pero sa huli ay napagdesisyunan kong sabihin nalang.
Aktong magsasalita palang ako ay sinigawan na ako ni Bryan na namumula na ang leeg at mukha. “Gago ka Alvin! Bakit ka nakatingin sa lips ni Steff?! Sabi ko na nga ba may gusto ka sa kanya! Naturingang pinsan pa naman kita tapos tinatalo mo ako! Ano!? Magsuntukan nalang tayo! Patataubin talaga kita traydor ka!”
And the rest was history. Mahaba habang paliwanagan talaga ang naganap, pasalamat nga siya at hindi mainit ang ulo ko ‘nun kung hindi ay papatulan ko talaga siya.. (-_-)
BINABASA MO ANG
Be Mine
Romance"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siya? Yung taong para sa akin talaga? Para kasing imposible na.." Kitang kita ko yung paghihirap sa mga mata niya.. Kung kaya ko lang pawiin...