Chapter 5- Accident

1.4K 25 15
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung nakita ko yung eksena na nagpabagsak sa mundo ko. Simula nun, hindi ako umiiwas. Actually, siya. Sila na kasi yung laging magkasama. Kahit sa tv binalita nang matino na daw ang Casanova. They even tell the whole world their lovestory. Sa school ngayon, sila ang perfect couple.

“Bagay sila no?”

“Oo nga e. Gwapo at maganda.”

“True. Perfect Match.”

“They are match made in heaven.”

Mga linyang naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa tuwing dumadaan sila sa hallway. Ako, eto. Nagpapaspas na kami para sa competition. Yes, sumali pa din ako. If I don’t, baka mabaliw ako sa sobrang bored at sakit na nararamdaman ko. Sabi niya, everything will be fine, pero asan siya ngayon? Naging sila lang nakalimutan niya ng may atraso pa siya sakin, nakalimutan nya ng siya ang may dahilan kung bakit anytime pwede lumala yung nararamdaman ko at hindi na ako makasayaw. Kung kelan naman akala ko magkakaroon nan g chance yung “ako at siya” pero sa isang iglap biglang wala na. Letseng tadhana to oh. -_- Pinaglalaruan ata ako.

Mamaya may practice pa kami. Ang sama ng pakiramdam ko. Hayyyss. -_- Nandito ako ngayon sa upuan ko at nakasubsob sa lamesa. Hindi na nga pala kami magkatabi. Syempre naman, yung girlfriend niya na yung tatabihan niya. Matutulog nalang ako kesa titigan sila kung paano maglandian..

Nasa point na ako kung saan makakatulog na ako nung biglang may nag’poke sa tagiliran ko. Pagtingin ko, isang gwapong nilalang na naka’panda na jacket ang nakita ko, nakatingin sakin at nagpapacute. ..

Hindi ko na napigilang tumawa kasi favorite ko ang panda.. “HAHAHAHAHA! Rence, ang cute cute mo! Haahahahaha.” Oo, si Clarence. Siya na yung katabi ko ngayon.

“Ehem. Ehem” Oooppps. Yung prof namin, nagkaklase pa pala tapos halos lahat ng tao sa room nakatingin saming dalawa pati sila Bryan. Buti nalang hindi si Mrs. Grumpy yung prof.

“Ah.. Eh. Sorry Ma’am. Kasi po hindi ko lang talaga napigila….”

“Ma’am ako po yung may kasalanan. Kasi po masama yung pakiramdam niya at mukhang malungkot. Ayaw ko naman po na mukhang biyernes santo yung mukha ng babaeng nililigawan ko. Diba nga po sabi nila kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya?” namula naman ako sa sinabi niya. Ano ba naman naiisip nitong tao na to? Lahat tuloy ng kaklase naming inaasar na ako. Except kay Bryan na nakatingin lang namin na parang wala namang emotion. Tulad dati, nung dinadaan’daanan niya lang ako. Well, nagtaka pa ako. Sino ba naman ako para sa kanya diba? =_= Pssh.

“So Mr. Seo nililigawan mo na pala si Miss Chua ha! Miss Chua, wag mo na pahirapan si Mr. Seo, sagutin mo na agad, bagay na bagay kayo!” sabi ng prof namin. Aba, takte. Nakiasar pa. Halatang kinikilig-kilig pa siya. Abnormal. (#_#)

Napayuko nalang ako sa sobrang hiya hanggang sa natapos ang klase at lunch na.

Sa tatlong araw na nakalipas laging si Clarence ang kasama ko, papuntang locker kahit sa comfort room. Ayaw niya daw kasing malayo sakin dahil pagkakaguluhan daw siya ng mga babae. Tsss. Sarap ipakaen ng buhay sa mga pating noh?

“Hoy! Anong iniisip mo dyan?” sabi niya na may kasabay pang pagpitik sa noo ko. Kakadating niya lang sa mesa naming, siya kasi um-order ng lunch namin. Swerte ko nga e, lagi akong libre ng pagkain diyan. Bwahahaha.

“Aray ko naman. Kelangan ba kasi may pitik pa?”

“Oo. Mukha kasing natutulog ka dyan at nananaginip ng gising e. Ano bang iniisip mo?”

“Wala.” Tapos sumubo na ako ng pagkaen ko. Alam na alam niya talaga yung gusto ko, vegetable salad. Hindi kasi ako nag-rrice. Tinanong ko nga siya kung paano niya nalaman na hindi ako kumakaen ng rice sabi niya nasa google daw.. -_-

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon