Kakababa ko lang ng sasakyan, kahit gustong gusto ko na tumakbo papunta ng room, pinigilan ko ang sarili ko. Paano ba naman ako tatakbo ng naka-miniskirt at heels? Yes, wala kasing uniform sa school na to and mapapahiya lang ako kung tatakbo ako, wapoise yun men! -_-
ATLAST! Andito na ako sa room. Hinga muna. Wooooohhh.. :0
“Didn’t you know that today is the first day of the class?” Mataray na tanong ng teacher namin nung nakita nya akong nakatayo sa may door ng classroom.
“Ofcourse I am aware. That’s why I’m here.” I told you guys, medyo bitchy ako. Kakaasar kasi tong teacher na to. Masyadong terror.
“Then why are you late? Aren’t you ashamed of yourself?” WOW! Bakit naman? Porket late lang ako? Hmmmm. Aga aga nambubwisit e.
“You know what? You’re ruining my day. Can you just please shut up!?”
Nagulat siya. Halata naman sa mukha niya e. Malamang pati din yung mga kaklase ko. Habang hindi pa siya nagsasalita naglakad na ako papasok para makahanap ng upuan. Nanginginig na kasi yung tuhod ko kasi kinakabahan na ako. HAHAHA. Tinignan ko yung mga kaklase ko, yung iba nakasmile sakin, yung iba nakataas ang kilay, yung iba pa-cute, si Laine nasa sulok halatang nagpipigil ng tawa, pero may isang tao na hindi ko inaasahang nakatingin din sakin. Siya.
Si Bryan Kiefer Harris.
I met his cold gaze towards me. At peste ! Kapag minamalas ka nga naman! Sa tabi niya nalang yung vacant seat. Omo! What to do? (o.O) Aalis nalang ako. Leshe! -_- Feeling ko kasing lambot na ng jellyace yung tuhod ko.
But NO.. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na apektado pa din ako diba?
Lumakad ako hanggang sa kaharap ko na siya.
“Is this seat taken?” mataray kong tanong sa kanya. Pinipigilan ko talaga mautal. Shemay. Mahirap na.
“No. Not yet.” Malamig na sagot nya..
Umupo na ako at tinignan ulit yung teacher namin sa harap na tulala pa din. Na-shock sya masyado ha? Pssh. Goodluck nalang sakin. Feeling ko mayamaya lang lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas at bilis ng heartbeat ko. Nakakahiya kapag nakita nyang nalaglag ang puso ko sa harap nya kasi nagpumilit lumabas. (@.@) Makatulog na nga lang. Lamig e.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz. (z.Z)
BRYAN’S POV
Hahaha. Eto talagang babae na to! Tignan nyo. Ang sarap sarap nang tulog. Humihilik pa. HAHAHAHA.
Hoy ha! Don’t get me wrong. Wala akong gusto sa kanya! May mahal akong iba. Mahal na mahal. Pero ayaw nya kasi sakin e. Sa totoo lang 4 years ko na yung mahal, simula pa nung grade 6. Nung first year kami umamin ako sa kanya kaso sabi niya hindi daw ako ang gusto niya. Ang sakit nga e. </3
Ako nga pala si Bryan Kiefer Harris. Oo, kami ang may-ari ng Harris International School. Bukod sa artista ako, Student Council President, at captain ako ng varsity ng basketball, marami din akong girlfriend. Feeling ko kasi nababawasan yung sakit na nararamdaman ko dahil sa pangbabalewala sakin ng taong mahal ko.
Kung iniisip nyo na masaya na maging Casanova, nagkakamali kayo. –_________-
Well minsan oo, pero madalas hindi. Tulad nalang ngayon na sumasabog na ang inbox ko kakatext ng mga babaeng to. P*kshet lang e.
“Mr. Harris” nagulat naman ako nung bigla akong tinawag ng teacher namin.
Hindi ako takot matawag noh! Alam ko yang iniisip nyo. Kahit naman Casanova ako at busy sa paga-artista, matalino naman ako. Lagi akong honor, minsan top 1 or 2. Hindi ako bumababa dun, at ang kalaban ko sa position ng top 1 ay ang babaeng natutulog na katabi ko ngayon. (#_#)
BINABASA MO ANG
Be Mine
Romance"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siya? Yung taong para sa akin talaga? Para kasing imposible na.." Kitang kita ko yung paghihirap sa mga mata niya.. Kung kaya ko lang pawiin...