STEFF'S POV
Pangalawang klase ko na to after lunch, isa nalang at matatapos na ang klase at mapupuntahan ko na ang team ko..
I missed them.
Physics ang klase namin ngayon. Sa lahat ng teacher ko, ito ang pinakaayaw ko.. Hindi naman sa nangmamata ako ng tao..
Pero bwisit kasi siya magturo..
Kapag siya na ang teacher niyo parang no choice ka nalang kung hindi matulog o kung ayaw mo, bahala kang makinig sa kwento nya sa buhay na paulit-ulit ko ng narinig at isama mo na yung mga green jokes niyang nakakadiri.
Kainis. Manyak ata to e. Tingin palang! -_-
May biglang kumatok sa room namin and nagexcuse naman si Sir Mendoza bago lumabas..
Nung makapasok na ulit ito ay may hawak siyang papel. “Miss Chua.”
Nagulat ako sa biglaan niyang pagtawag sakin pagkuway bigla rin naman akong nailang kasi pansin kong lahat sila ay nakatingin na sakin.
Nakikita ko din sa gilid ng mata ko na nakatingin SIYA sakin habang naniningkit ang mga mata. Natural na yun kaya hindi ko tuloy malaman kung galit ba siya o wala lang. Tss.
“Yes, sir?”
Subukan mo kong manyakin kung ayaw mong buong angkan niyo ang ipalibing ng buhay ng Daddy ko. #_#
“Your team wants to excuse you.” Tumikhim pa ito tsaka nagsalita ulit. “Kailangan ka daw nila sa practice.”
“P-po?”
Nagulat lang ako.. And at the same time.. Na-touch ako kasi naman kailangan pala nila talaga ako. Mahal na mahal ko talaga ang team ko, and hindi ako papayag na matalo kami sa competition na to.
“Sige na. You may go.”
Dahan dahan na akong tumayo. Nakikita ko pa din si Bryan na nakatingin sakin, kaya lang ngayon mas lalong naningkit yung mga mata niya..
Mukhang nasisigurado ko ng galit siya.
“Ah.. Sige po Sir. Thankyou.” Naglalakad na ako sa pinaka gitna ng klase nang biglang magsalita ulit si Sir.
“Basta Miss Chua. Magreport ka sa office ko mamayang 7pm. Alone... Siguro naman ay tapos na nun ang practice niyo hindi ba?”
Bigla akong kinabahan.
Nakita ko din ang mukha ng mga kaklase ko. Pati si Alvin at Kevin na halatang halata ang pagtutol sa mga mukha.. Marahil ay hindi lang ako ang nakakapansin ng kamanyakang taglay ng lecheng to. -_-
Pero para sa team ko, okay lang.. At naniniwala akong hindi ako gagalawin ng isang to.. Isa akong Chua, at alam kong alam niya ang magiging consequences kung sakaling gawan niya ako ng masama.
“Ah.. S-sige po sir.”
“Okay. Alone.” Pahabol pa niya.
Pesteng alone yan! Bakit ba kailangan pang alone!? Psh.
Nagtuloy tuloy na ako sa gym.
Syempre nung nakita nila ako hiyawan ulit. Kamustahan, kaunting snacks. Namiss ko talaga sila..
“Okay okay. Guys, meron na ba kayong nagawang new routines?”
“Yes captain! Sinundan lang namin yung itinuro mo nung bago mangyari yung aksidente.” Sagot ni Mike, member din siya ng squad.
Nakita kong lumungkot ang mga mukha nila. Pwera kay Elizabeth na ngumunguya lang ng chewing gum, sanay na naman ako sa kanya.. Ganyan talaga siya noon pa man.
BINABASA MO ANG
Be Mine
Romance"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siya? Yung taong para sa akin talaga? Para kasing imposible na.." Kitang kita ko yung paghihirap sa mga mata niya.. Kung kaya ko lang pawiin...