Chapter 36- Courting you

1.1K 24 7
                                    

Salamat sa votes <3 Maguupdate ako ulit asap after this don't worry. :) Ilovey'all. 

*********************************************************************

Matapos kong matulala ng mahigit isang oras ay napagpasyahan ko na din na lumabas. Taena. Hindi mawala sa isip ko yung mga pinagsasabi niya..

Paano ba ako magmamatigas kung isang sabi niya palang ng nakakabaliw na linya ay bumibigay na ako… Hayyy buhay.

*SIGH*

Kumakalam na ang sikmura ko kaya dumiretso ako sa cafeteria. Pansin ko na puro mga kaklase ko lang ang nandun tsaka ko napagtanto na hindi pa naman kasi break time.. E bakit andito ‘tong mga to?

Nakita ko sila Ryzza na nagkkwentuhan at kumakain except kay Jake na pabalik-balik na naglalakad at nasa tenga ang cellphone. Sinong kausap ng mokong na ‘to at parang di mapakali??

Inilibot ko pa ang mata ko tsaka ko nakita ang hinahanap ko.. Darn, Harris! Don’t look at me like that! ASDFGHJKL!!!!

He’s intently looking at me habang katabi sila Alvin at Kevin pati ang iba pa naming kaklaseng lalaki sa iisang mesa. Titig na titig ang makalaglag panty na mga mata niya habang pinaglalaruan ng kamay ang sariling labi niya.. Why do you have to look so sexy, you prettygoodlookingsexybeast! -_-

Parang hindi nito alintana ang mga kaklase kong babae na hindi magkamayaw na paimpit na nagtitilian at walang sawang kinukuhanan siya ng picture.. LIKE SERIOUSLY!?? Hindi niyo ba siya nakikita sa loob ng classroom araw-araw?!!!!

‘Gasshh! I’m gonna post this agad! He’s so hot here!!!’

‘Oo nga. Kakapost ko lang sa instagram at grabe sobrang daming likes and comments agad.’

‘Tamang tama lang na tayo ang tawaging number one fan niya at maging admin ng fan page niya kasi tayo lagi ang updated sa bawat galaw niya! Yieee! Kakilig!!! Ang gwapo gwapo nya!’

Ilan lang yan sa mga narinig ko habang naglalakad ako papalapit kela Jake na pinagkakaguluhan din ng ibang babae sa pagkuha ng pictures. Alam kong naging die hard fan din ako ng mokong na Harris na yan pero hindi ako umabot sa extent na hanggang pagkain sa caf ay pipicturan ko siya. -_- ohh. What’s new.. Perks of being an actor.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil ito inaalis ang titig niya sakin but he just laugh! A sexy one. Damn Harris.. Stop looking so sexy. Pakiramdam ko ay pinanuyuan ako ng lalamunan.

What is happening to me? 0_0

The girls wriggle as they heard him. Buti naman at hindi lang ako ang naapektuhan sa kasexyhan este kabaliwan niya. Narinig kong tinanong siya nila Alvin kung bakit but he just shook his head. Buti naman.

“Lian! Where have you been? I’ve been calling you a thousand times.. Saan ka ba galing?” nagulat ako sa mahigpit na yakap niya..

JAKE

Why do you always have to be good? Bakit kailangan na maging concern ka sakin? Bakit ako pa ang napili mong mahalin? Hindi kita kayang saktan….

Mahina ko siyang itinulak dahil naiilang ako..  Oo, naiilang na ako sa kanya simula nung gabing umamin siya. Pero hindi ko kayang maging harsh, hindi ko kayang saktan siya.. He’s like a brother to me.

“S-Sa quarter lang, sa room.. N-Nakatulog kasi ako e. Sorry.” Sorry Jake. Sorry if I’m lying. I can’t hurt you..

Narinig ko na naman ang bulungan ng mga estudyante.. Sht. Umiinit na naman ang ulo ko. Arghhhh.

‘Una si Harris, ngayon si Clarence. Grabe ang bitch niya talaga.’

‘Ikakalat ko ‘tong pictures nila ni Clarence para malaman talaga ng mga tao kung gaano siya kalandi.’

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon